bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Wednesday, October 26, 2011

UMIIYAK KA NA NAMAN

UMIIYAK KA NANAMAN
ni:ara castillo

Umiiyak ka nanaman,
Sabi mo di ka na masasaktan,
Bakit ngayon heto ka nanaman,
lumuluha..na siya ang dahilan.

Bakit kasi ayaw mong pakinggan?
Ibaling sa akin..pag-ibig mo'y inaasam,
Pangakong hinding-hindi ka sasaktan,
Hindi ka iiyak sa piling ko,kahit minsan.

Hindi mo ba kayang puso ay turuan?
Bakit di subukan,wala ka bang kapaguran?
Labis na pagluha'y bakit pinagtitiisan,
Iyan ba ang kahulugan sa'yo ng pagmamahal?

Asahan mong lahat ay aking gagawin,
Lahat ng gusto mo ay aking susundin,
Makamit ko lamang iyong pagtingin,
Lumuha kang muli'y hindi mo daranasin.

Kung pwedeng sa kanya'y ikaw aking agawin,
Na parang isang bagay na pwedeng nakawin,
Kasalanan mang mortal kung ito ay ituring,
Hwag ko lamang makita muli ka nyang paluhain.

Nabigo ka nanaman sa iyong kasuyo,
Heto ka umiiyak puso ay nagdurugo,
Nadala ka na naman sa huwad na pangako,
Bat di mo magawa,ipalit ako sa iyong puso?

Ang isang katulad niya'y di dapat iyakan,
Narito naman ako sa iyo'y nagmamahal,
Di ko hinihiling pag-ibig ko ay suklian,
Umiyak kang paulit-ulit ako ang nahihirapan.

Ngunit ang yong puso'y bihag ng salawahan,
Tatanggapin pagkatalo,maluwag sa kalooban,
Di mo man tumbasan alay kong pagmamahal,
Narito pa rin ako bilang iyong kaibigan.

Tanging ninanais iyong kaligayahan,
Mga paghihirap mo'y nais kong matuldukan,
Tunay na pag-ibig iyo sanang masumpungan,
Hwag na sanang maulit..umiyak ka na naman.

oct.26,2011

No comments:

Post a Comment