aking mga nalikha...may kasamang luha..ngunit dito nagsimula....na ako'y makakatha;buhat sa pag-ibig na nawala...di ko alam kung muli pang magtitiwala...kaya't itong pahina..para sa mga nangungulila..naniniwala..umiibig at patuloy na umiibig....at mga nakararanas na masaktan at lumuha. masarap magmahal kahit nasasaktan...ito ang pakiramdam na hindi mabibili at matutumbasanng kahit na anong kayamanan.ito ang kaligayahan na nagmumula sa puso.. ng taong minamahal at nagmamahal.....poknat♥
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!
PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥
Monday, December 19, 2011
PASKO SANA'Y LUMIPAS NA LANG
Sakit sa kalooban at parang dinudurog ang puso ng aking"kaibigan"habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak.Nalalapit na ang Pasko..pero nasa isip niya ...tulad ng ibang bata,may bago ng damit,sapatos at kung anu-ano pa.Pero ang dalawa..di man magsalita,ramdam ng ina ang damdamin ng mga bata.Sadyang mahirap itaguyod ang dalawa na mag-isa lang siya.Kumpara sa nakaraang Pasko...ang saya nila.Naipasyal sila sa Mall bago magPasko at nabili nila ang bawat gustuhin.Ngayon isa man....hirap na maibigay ng ina.Bakit ba kasi may Pasko pa?Kung sana pare-pareho na magiging masaya...O hindi ba pwedeng burahin na lang ang December 25 at lampasan?.Kung may magagawa nga lang na paraan ang aking kaibigan....para maipadama sa mga anak kung gaano sila kamahal at di hayaang nahuhuli sa iba....Sana nga ang Pasko'y lumipas na lang sa isang iglap.!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment