bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, March 6, 2012

IBA TALAGA SA ABROAD

IBA TALAGA SA ABROAD
ni:ara castillo moises

Talagang ang buhay mahiwaga nga naman,
Kung dati'y isang kahig isang tuka noong araw,
Ngayon masdan mo't kaylaki ng bahay,
At mayroon pang nakaparadang kotse sa harapan.

Iba talaga sa abroad aking naririnig,
Tila ba isang awit bulaklak ng bibig,
Parang kaydali pera ay makamit,
Kung alam lang nila hirap na sinapit.

Iba talaga sa abroad,Ingles ang salita,
O di kaya'y Espanyol kahit mapilipit ang dila,
Naisusuot ang ibig mamahalin na sadya,
Di mo iisiping alila ng banyaga.

Swerte nga ni Juan ay di kapalaran ni Pedro,
Kaya pagsapit sa abroad di ka nakasisiguro,
Ano ngang pagsubok dito'y haharapin mo,
Paanong makakabayad sa perang nautang mo?

Pamilyang naiwan labis na umaasa,
Di pa man nakakaalis sabik na sa padala,
Unang sahod nga'y pangako sa pamilya,
Kailan mararanasan sa buhay ang ginhawa?

Isang buwang kayod sa gitna ng inip,
Hindi alintana ang pagod,lungkot o ang homesick,
Sa pagdating ng payday si Nanay ko ang sabik,
Deretso sa saklaan,utang pala'y sabit sabit.

Iba talaga sa abroad akala ng karamihan,
Dolyar ang sinasahod,di man tumagal sa kamay,
Ate padala ka na,panggastos sa bahay,
Masakit pa ang mga loob pag di nakabigay.

Habang nasa abroad sana lahat makaya,
Maibigay mga ibig ng naiwang pamilya,
Pansariling kagustuha'y isantabi muna,
Mapalitan ko namn sana ang maong kong kupas na!

March 06, 2012
♥Poknat♥

Monday, February 20, 2012

IKAW ANG DAHILAN


IKAW ANG DAHILAN
ni:ara castillo moises

Paano ko ba masasabi ang nasa ng puso ,
Laman ka ng isip at dito'y gumugulo,
Di ka man mayakap at madama init nito,
Dito sa pangarap ko,ako'y nasa piling mo.

Ikaw ang dahilan ng makulay kong buhay,
Hinango sa dilim ang pusong sugatan,
Ibinalik ang sigla't nagkaroon ng saysay,
Nalimutan ang kahapong nagdulot ng lumbay.

Lagi ng nangangarap na sanay matagpuan,
Tunay na pag-ibig na aking inaasam,
Kahit alam kong ito'y sa pangarap lang,
Mayroon mang mangyari'y ito'y iilan lamang.

Dumating ka sa buhay ko tila isang panaginip,
Nagdulot ng ligayang walang kahulilip,
Ikaw ang nakikita sa t'wing mata ay pipikit,
Di ka maalis sa isip ko,ikaw ang nakapagkit.

Habang ang tinig mo'y aking naririnig,
Gumagapang sa diwa ko't may dulot na kilig,
Ang makayakap ka at sa pagtulog ay kaniig,
Kumakaba ang puso ko't bumibilis ang pintig.

Pag-ibig ko sayo'y tunay at tutuo.,
Mundo kong mapanglaw ikaw ang nagpabago,
Ikaw ang dahilan ng pag-ikot nito,
Maging katumbas man ng muling pagluha ko.

Ipangako mo sanang hindi ka bibitaw,
Sa aking landasin ikaw ang tanglaw,
Ikaw ang pangarap ng puso kong uhaw,
Handa ring masaktan kung ang dahil ay ikaw.

Feb.15,2012
♥poknat♥

Thursday, February 16, 2012

MINSAN MINAHAL KITA

MINSAN MINAHAL KITA
ni: Ara Castillo Moises

Noo'n naipangakong tanging ikaw lang,
Na di magbabago magpakailanman,
Ngunit pag-ibig ko'y di mo pinahalagahan,
Tiniis mga pasakit,luha ang nakamtan.

Inakalang ikaw na mkkasama habangbuhay,
Kasama sa pangarap,minahal ko ng tunay,
Ngunit kaysakit ang lahat ay naparam,
Biglang nagbago ka' sa isang iglap ay lumisan.

Di ko man nais na ikaw ay limutin,
Sa pagkahibang sau ako ay nagising,
harap-harapang pasakitan at iyong lokohin,
Pilit kang iwawaksi,masakit man sa akin.

Paalam sa iyo...aking minamahal,
Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan,
Minsan sa puso kong ikaw ang itinanghal,
itinahanghal na dito'y hindi malilimutan.

Minsang sa buhay kong nagdulot ng katuwaan,
Labis na pagluha ang naging katapusan,
Ngunit ang lahat di ko pinagsisihan,
Na naging bahagi ka ng buhay ko kahit minsan.

Isang ala-alang di maiwasang balikan,
Naging sandigan at nagbigay ng aral,
Aral na ikinatkat sa puso at isipan,
Nagpatatag sa akin minsan kitang minahal.

♥poknat♥

Saturday, February 4, 2012

HUWAG KA LANG MAWAWALA

HUWAG KA LANG MAWAWALA
ni: Ara Castillo Moises

Magmahal ng tapat at umibig ng tunay,
Dinanas ng puso ko at lahat inalay,
Alipin ng pagmamahal dito nagpatangay,
Ngunit di naglaon,ito rin ay nawalay.

nalugmok sa dilim at labis na lumbay,
Tila wala ng nais pang mabuhay,
Pag-asang hinubog,gumuho,gumiray,
Nag-iwan sa puso ko sobrang sakit,lumalatay.

Kaytagal na nalugmok,piniling mag-isa,
Na tila ang puso'y hayaan ng nakasara,
Bigla kang dumating,nagpabago,nagpakaba,
Bumuhay sa diwa kong inakalang patay na.

Di ko hinangad na sa'yoy mahulog pa,
Pinigil ang puso ko,ngunit di ko nakaya,
Sa tuwina'y nariyan ka,nagpapangiti,nagpapasaya,
Di ko sinasadya,,,,MAHAL NA PALA KITA!

Sa puso'y lagi ng nariyan ang galak,
Laging alaala ka at sa twina ay pangarap,
Bawat sandali'y ikaw ang tangi kong hanap,
Kaligayahan ko sana nawa'y maging ganap.

Pilit iwinawaksi sa isip ko nakasiksik,
Ligayang hatid mo'y mapalitan ng sakit,
Puso'y nagdugo't tila ba may tinik,
Karanasang sinapit ko,wag na sanang maulit.

Sunday, January 29, 2012

SO TRUE

SO TRUE
by:ara castillo moises

you came into my life that i can't expect;
in time when i was full of regrets,
my world stops to round it seems like the end.
losing those hopes i'm trying to mend.

Felt i was leave in an empty room,
waiting for the last breath of my doom,
then you came take away all my sorrows,
begging me to stand,cheer for tommorrow.

you held my hand w/a smile so true,
making me laugh when i was blue,
showed me thelove that i cant forget,
happiness so true,to hold u cant wait.

maybe this time need to be blind,
could'nt resists this feeling to hide,
to the reality i won't bear in my mind,
that i was fall for you,i cant denied.


i'll take all the chances to be w/you,
what my heart say's that's all i knew,
now i'm sure my feelings  for you,
i love you as you are,that was so true!

jan,30,2012
♥poknat♥

Thursday, January 26, 2012

ANG BUHAY NG TAO

ANG BUHAY NG TAO
ni:ara castillo

Nilalang na minsang pumalaot sa dagat,
Di alintana ang unos sinuong ang hirap,
Kahit sagwang taglay inanod,nilipad,
Patuloy sa paglaban,kahit saan mapadpad.

Minsan inakalang sa langit naakyat,
Dinama ang sandali,kaysarap ng paglipad,
Sandaling nasa tuktok,nabali aking pakpak,
Sa taas ng kinalalagyan,anong sakit ng lagapak.

Mahirap talaga ang gawang mabuhay,
Sarili mong kunsensya ang iyong kalaban,
Dumarating maminsan ang ika'y kainggitan,
Di mo sukat akalain kaharap na ang 'yong kaaway.

Sa mga kabiguang dinanas at nakamit,
Naging aral na sa akin mga dusa at pasakit,
Ito ang pananggang sa utak ko nakakabit,
Sa mga nagnanais na sa aki'y muling manakit.

Buhay ng tao'y para ngang sa kandila,
Habang umiikli'y pumapatak ang luha,
At parang isang batong ibinalibag na bigla,
Pag di nakailag,tanggapin yaring luksa.

Marami ng naganap dito sa aking buhay,
Pangyayaring sukatin man di alam patutunguhan,
Di pa rin mapagtanto nalalapit na katapusan,
Pilit pa ring ikinukubli bahagi ng kasaysayan.

Anumang pagpupumiglas na ito ay iwaksi,
Kahit anupang gawing pagtanggi,
Nakagagawa mga di kanais nais na pangyayari,
Sa pagtatapos ng buhay may aral sa huli.

Sarili mong kapalaran 'kaw ang huhubog,
Patuloy yaring buhay,patuloy sa pag-inog,
Ingat ka pagkaminsan huwag masyadong matayog,
Baka sa pag-ikot mo ikaw ay mahulog!

Jan.13,2012
♥poknat♥

MASKARA

MASKARA
ni:ara castillo moises

Panlabas na katangiang nakakatangay,
Sa bawat pagkilos kayhinhin ngang tunay,
Kayraming naaakit sa matang mapupungay,
tinig na kaylamig nakapapawi ng uhaw.

Kayrami ang sa kanya naaakit,
Tila isang anghel na bumaba sa langit,
Puti yaring suot,sadyang kaylinis,
Ikinukubli dito,taglay nyang putik.

Bulaklak may taglay na bango't alindog,
Halimuyak sa gabi'y pumapaimbulog,
Ang bawat talulot pinitas sumabog,
Tinik na taglay,sa puso'y tutuhog.

Animo isang kay-among tupa,
Kaygaling magpanggap,isa palang sawa,
tunay na balat hindi maipakita,
Daig pa ang isang berdugo sa selda.

Kunwari ay bukal sa kapwa pagtulong,
Sa kaloob-looban,iba ang nilalayon,
Kundi pansariling nasa ang tuon,
Pagtalikod naman ay bubulung-bulong.

Dito nga sa mundo iba-iba ang tao,
Kung ikay isang mangmang talong sigurado,
Halos yata lahat mula sa ugat ni Plato,
Pawang mga paham,lahat matatalino.

Hwag kang pabubulag sa nakikita ng mata,
H'wag kang padadaig sa naririnig ng tenga,
Di lahat ng banal sa simbahan nakatira,
Bat mo pa sinamba,may sungay na pala?

Punyal kong dala di sadyang maihagis,
Makapagsalita man ako ng pangit at tambis,
Mayroon mang tamaan o hiwa'y dumaplis,
Maskara mong suot tiyak lilislis.

Maamo niyang mukhang ubod ng ganda,
Sa paningin ng iba akala mo dyosa,
Ngiting sumisilay huwad lang pala,
Lahat nakatago sa likod ng maskara!


Jan.16,2012
09:52PM/PHL

WAG MO AKONG HUSGAHAN!

WAG MO AKONG HUSGAHAN!
ni:ara castillo moises

Magmahal sa isang tulad mo'y isang kasalanan,
Sa isang nakatali na at walang kalayaan,
Ngunit ito nama'y aking pinigilan,
Dahil alam kong dusa ang kabayaran.

Ngunit sadyang ako'y isang tao lamang,
Umibig sa iyo'y hindi ko mapigilan,
Kahit panlilibak sa iba ang makamtan,
Tibok ng puso ko ang sya pa ring nangibabaw.

Simula pa lamang ay akin ng tinanggap,
Ikaw ay sa knya't di magiging aking ganap,
Patawad sa iyong kabiyak ito ang tangi kong hangad,
Hindi kita inaagaw,umaamot lang ng paglingap.

Ayos lang sa akin kahit kailan mo silipin,
Dahil alam kong sayo'y mayroong umaangkin,
Minsa'y katumbas ng tuwang kaylambing,
Hiram na sandaling sa mata ng lahat ay krimen.

Kapag nga ikaw nasa aking kandungan,
Lahat ng hinanakit ako ang sumbungan,
Kahit naisin ko ang ikaw ay pakawalan,
Nananaig pa rin tunay na nararamdaman.

Aking pakiusap,wag akong husgahan,
Tatanggapin ko ano man ang kahantungan,
Parusang nakapataw aking pagdudusahan,
Kapalit ng kaligayahang aking naranasan.

Kung dumarating man minsan na ako ay palaban,
Na sasabihin pang sa iyo mas matapang,
Pa'nong di ganun pagkatao'y yinurakan,
Tao rin ako pag nasaktan lumalaban.

Di ko sinasabing ako ang magaling,
kung bat ang ying mahal sa akin nahumaling,
Di ko hinangad pamilya mo ay wasakin,
Ako lang ba dito ang dapat sisihin?

Nagmamahal tayo,kanya-kanyang dahil,
Umiiyak sa dulot ng lungkot at hilahil,
Sa'yo natagpuan mapagkandiling damdamin,
Kahit bawal pang ituring kayhirap pigilin.

Marami nga dyan mapanghusga't nagmamainam,
Bat di humarap sa salamin at sarili'y pagmasdan,
Baka di mo napansin putik sa mukha iyong punasan,
May itinatagong amoy mabaho pa sa alamang!

Lahat ng pang-aalipusta aking pinapayagan,
Kapalit ng pagmamahal na dulot mo kahit minsan,
Walang taong perpekto,banal man o makasalanan,
Pang-unawa ang hiling,Wag mo akong husgahan!

Jan.09,2011
♥poknat♥

KAILAN LILIGAYA?

KAILAN LILIGAYA?
ni:ara castillo

Sa pag-ibig nga ba'y lagi na lang sawi......
puro ba pagluha at labis na pighati....
kailan makakamtan ligayang minimitihi....
liligaya pa kaya kung puso'y bubuksang muli?

kailan makakamit tunay na ligaya?
pag umibig itong puso'y todo at sobra-sobra....
ngunit sa kabila nito'y puro pa rin pagdurusa....
sa pag-ibig nga kaya hindi ako liligaya?

tinanggap kong lahat maging ano at sino ka...
dahil nga itong puso'y ikaw ang sinisinta....
tiniis mga pasakit kahit pa nga malayo ka....
sinabi sa sariling ikaw lamang walang iba!!!

pusong umiibig kahit pa nasasaktan....
titiisin ang lahat o sadyang nagtatanga-tangahan.....
ayaw lang bang gumising tanggapin katutohanan?
na ang iyong mahal..wala na ika'y iniwan.....

iwan mo man ako heto pa rin naghihintay.....
maging mundo ko man tumigil...mawalan ng kulay....
tanging ikaw lamang hinahangad sa aking buhay....
kung hindi ikaw giliw daig ko pa ang namatay.

ikaw lamang hinihintay ng puso kong aba....
kahit anong gawin di ko kayang kalimutan ka.....
puso ko'y bulag...sadyang ikaw lamng sinta...
walang hinangad ang puso ko,kundi ikaw ay makasama.

sabihin man nilang ako'y sadyang hibang....
pag-ibig ko daw sayo'y walang patutunguhan...
hindi ka raw bagay at dapat pag-alayan....
sakit at dusa lang ang sayo'y makakamtan.

pilitin man ang pusong ikaw'y kalimutan....
hindi ko magawa kahit pa nahihirapan.....
dito sa puso ko nakaukit iyong ngalan....
paanong gagawin..ikaw ang kaligayahan?

puso ko nga ba'y walang kapaguran?
sa pag-asang isang araw ika'y aking mahahagkan?
o sadyang bulag nga ba dahil ika'y pangarap lang.....
kailan liligaya ....yan ang laging katanungan?

INAY

" INAY"
ni:miss ara castillo




ramdam ko iyong paghihirap;
sa amin iyong pinapangarap;
ngunit tayo'y isinilang na salat;
tanging magagawa ay magsikap.

di man ako mabuting anak;
sa pagtanda mo aalalayan kang tiyak;
minsan man ako'y napapaiyak;
kung paanong bibigyan ka ng galak.

kapag nakikita kang namumuroblema;
nais ko'y damayan ka ina;
ngunit ako'y walang magawa pa;
kundi ang manahimik muna.

di ko lang maisatinig;
mga paghihirap mo nandito sa dibdib;
pangako ina ang tangi kong ibig;
mapaligaya ka sa paglagi dito sa daigdig.

kung may magagawa lamang ako;
di makikita lumuluha kang tutuo;
dama ko nasa puso mo;
nasa puso ng isang inang tulad ko..

ANG PAG-IBIG

ANG PAG-IBIG
ni:ara castillo moises

"Pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman,"
"Hahamakin ang lahat masunod ka lamang!"
Yan ang kasabihang pinanghahawakan,
Nang mga pusong umiibig at hibang.

Taong umiibig bulag ang kahambing,
Lahat susundin animo alipin,
Laging sinasambit kahit pa magdildil,
Maduling man sa gutom,maligaya pa rin!

Walang pinipili pangit o maganda,
Kung minsan pagmasdan,nakakatawa,
Kahit masaktan tuloy pa rin ang laban,
Wari'y isang sundalong sa gyera'y sugatan.

Lumpo na ay pilit pa ring tumatayo,
Maipakita lamang tunay ang pagsuyo,
Ngunit di maiwasan ang iba maliko,
Umiyak man ng labis tanggapin pagkabigo.

Ngunit ang pag-ibig pag nadama'y anong sarap,
Parang nasa langit idinuduyan sa ulap,
Hindi mapipigil harangan man ng sibat,
Pagkat alipin na ng pusong nakabihag.

Mayroong pag-ibig matalim,masakit,
Iwasan man ito humihiwa,mapait,
Mahulog sa isang gahaman at ganid,
Luluha ng dugo,masasadlak sa putik.

Pagkaminsan pag-ibig dulot ay gulo,
Maari bang ilagan pagpana ni kupido,
Pagpana pagkaminsan ba't sa maling tao,
Masalimuot,dakila,nasaan ka dito?

Napagtantong sa pag-ibig umiikot ang mundo,
Nagdulot man ng pasakit o ligayang totoo,
Masarap ang umibig at ibigin ng puro,
Kahit pagkaminsan dulot ay pagkatalo!

Jan,14,2012

HINANAKIT

• HINANAKIT
ni:ara castillo moises

Kasabay ng dilim at mata'y pipikit,
Lubhang nabingi at puso'y pinid,
Walang marinig kundi isang tinig,
Impit,mahigpit,kaysakit ng pagtangis.

Kaylambing ng tinig,sa aki'y nagpakilig,
Nagdulot ng kaba,kabog sa dibdib,
Malagkit na tingin,sa akin ay umakit,
Sa twina'y gunita,sa isip pumagkit.

Ligayang nakamit lubhang kaytamis,
Parang idinuduyan,limot ang hinagpis,
Pumatid ng uhaw at mga pighati,
Sugat sa puso ko dagliang napawi.

Ngunit pag-ibig na sa una pa'y mali,
Kahit pilitin pa'y hindi maaari,
Lagi na lamang bang nakaw ang sandali?
Mahalin nga kita'y di ganun kadali.

Bakit ka pa kasi dumating sa aking buhay,
Di sana nahihirapan,at ngayo'y nalulumbay,
Hindi ka maangkin sa gabing mapanglaw,
Dahil nga ako...sa iyo may kaagaw.

Dama nga ang sakit na kanyang nadarama,
Alam ko ang hapdi sakaling malaman nya,
Hindi ko binalak sa kanya agawin ka,
Hinanakit ng puso ko,bakit sa'yo umibig pa.

Hinanakit na ngayon ka lang nakilala,
Sa tahimik kong puso,ngayo'y kumakaba,
Hinanakit na kung bakit puro na lang pasakit,
Di na ba liligaya ang tulad ko sa pag-ibig?

Jan.12.2012 ♥poknat♥

MARUPOK MONG SUMPA

• MARUPOK MONG SUMPA
ni:ara castillo moises

Kung kita ay kapiling,
puso sana'y di naninimdim,
nalilimutan dusa at pasakit,
Tinataglay nitong pusong sabik.

Sumpaang tayo'y mag-iibigan,
hanggang sa wakas ating pagsasaluhan,
Ngunit ikaw pala'y isang salawahan,
Na sa buong buhay ko'y di malilimutan.

Sumpaang kayrupok,tila isang bula,
Binalewala mo mga binitiwang salita,
Darating ang araw ikaw rin ay luluha,
Maiisip mo ang sakit na sa aki'y ginawa.

Luha't pagdurusa ang sa aki'y iniwan,
Na parang sa akin'y mundo ay katapusan,
Sumagi sa isip buhay ay wakasan,
Upang paghihirap ko'y bigyan ng kalayaan.

At kung mangyari mang mata ay ipikit,
Doon hihintayin kita giliw sa langit,
Baka sakaling pagsinta mo ay magbalik,
Sasalubungin kita,habang puso'y umaawit.

Kung sana kita ay kapiling,
Di sana umiiyak sa gabing madilim,
Matapos kitang tunay na mahalin,
Marupok mong sumpa tinangay ng hangin.

Kung nalalaman ko lamang aking mahal,
Na ang pag-ibig mo sa aki'y di magtatagal,
Di sana ako umasa sa ating sumpaan
Sa hiwalayan rin pala magtatapos ating suyuan.

Pag-ibig mo'y inakala kong langit,
Pagdurusa pala ang dulot at pasakit,
Ngunit sa'yo mahal wala akong hinanakit,
Kahit kumalas ka sa sumpaang binanggit.

Jan.08,2012♥ara/poknat♥

PERA BA O PAGMAMAHAL?

PERA BA O PAGMAMAHAL?
(ANO ANG MAHALAGA?)
ni:ara castillo moises/poknat

Pagmamahal ang mahalaga sabi ng iba,
Kahit daw naghihirap basta sama-sama,
Bakit ngayon di maipakita?
Dulot ng pagmamahal sinasabi nila?

Pamilya'y sama-sama,nandyan si ama't ina,
Kasama si Ate,si Bunso at si Kuya,
Ngunit nagugutom dahil walang pera,
Laging nag-aaway,singhal dito,may mura pa!


Sanhi ng magulo at suwail na anak,
Minsan pa'y dahilan ng pagkapahamak,
Amang walang maibigay na pera sa mag-anak,
Sama sama ngunit di makatikim ng konting galak.

Pera na nga ang syang mananaig,
Dito umiikot ang buong daigdig,
Aanhin pagmamahl kung tyan ay kumakalam,
Walng kwenta ang lahat pag pera pumagitan.


Kayrami ang kaypera nga nahihibang,
Titiisin ang lahat dahil sa perang kailangan,
Kakapit sa patalim,kahit minsan pa ay utang,
Pamatid lang sa gutom at tiyang kumakalam.


Kahit na sabihin pang galing sa masama,
Katuwaang dulot nitoy di maikaila,
Lalot iniabot pagkain sa bata,
Di maipaliwanag mababanaag na tuwa.

Kaya't sa isang tulad kong lumaki sa hirap,
Pinilit kumita sa sariling pagsisikap,
Ngunit kapalaran sadyang saki'y mailap,
Walang tigil sa pag-asam na sana'y maganap.

Nagsikap naman akong humanap ng trabaho,
Ngunit sadyang kayhirap di nakatapos ng kolehiyo,
Kaya't nagtityaga pasukin kahit ano,
Kumita lang ng kaunti,okey na kahit magkano.


Doon sa mga taong isinilang na maykaya,
Na di alam san dadalhin taglay na yaman nila,
Naranasan bang mag-isip o kaya'y mamrublema?
O problema'y di kilala,nang dahil nga sa pera

Sa isang katulad ko ano ang mapipili..
Wala ngang magawa kundi ang humikbi,
Sapat ba ang pagmamahal,sama sama kayo palagi?
O kulang nga ito...kung di sapat ang salapi!

Pera o pagmamahal ano ang mahalaga kaibigan?
Mayaman sa pagmamahal ngunit pera ay kulang?
Pagmamahal di makamit,halos salapi ang higaan,
Ngunit salaping tinataglay,di madadala sa libingan.

MAHAL MO NGA BA AKO?

MAHAL MO NGA BA AKO?
Jesse James and Ara Castillo Moises

Binuo mo sa kataga ang nararamdaman mong paghanga
Nilaliman pa ang iyong mga salita at naging matalinghaga
Kaya puso ko namay nabihag mo ng diko inakala
Umiibig na pala ako sayo ng kusa

Mahal mo ako yan ang turan mo
Kaya sinuklian ko ng tapat at totoo
Pagtangi sayo walang limitasyon o walang dulo
Ganun ako ng matutong umibig sayo

Di naglaon tila mahika ng yong salita
Unti unti ng humihina
Hatak ng pwersa sakin bakit tila wala ng bisa
mga Tinuturan mo ngayon ay nakakaduda
Tanong ko " mahal mo nga ba ako? " o nagiging mapaghanap na ako?

Wag kang magdamdam sakin inilalahad
Kahungkagan sa puso ko ngayon lamang ay sumasaad
Bigkas mong pagmamahal sakin wala na atang sagad
Salitang iyan para sakin ngayon ay isang atang huwad
Diko na maramdaman ang wagas na sya lamang ang aking hangad.

ara castillo moises

Di mo maiaalis na ako ay magdamdam,
Nang aking matunghayan,iyong katanungan,
Sa pag-ibig ko pala mayroon kang alinlangan,
Ano ba ang nais mo na aking patunayan.

O ikaw nga lang ba ngayo'y mapaghanap?
Binibigyang kahulugan bawat nagaganap?
Bat di mo madama aking paglingap,
Ikaw ang lahat sa akin kasama sa pangarap.


Bawat kataga at salitang sinasambit,
Bago ito bitiwan at aking isatinig,
Hindi isang salita lang bulaklak ng bibig,
Tunay na nadarama,nanggaling sa dibdib.

kaya sana mahal iwaglIt ang pangamba,
dito sa puso ko ikaw lang walang iba,
mga pagkukulang ko'y pasensyahan mo sana,
Pupunan ang lahat,kapag tayo'y nagkasama.

Katanungan mo ngayon ito ang sagot ko,
Minahal kitang tunay puro at totoo,
iwaglit mo na sana alinlangan dyan sa puso mo,
Walang ibang mahal,kundi ikaw lang hanggang dulo.

jan.26,2012

Jesse James is the one of my friend and kakulitan on the page Bahay na Bato(ampunan ng mga nababato)
This poem was our second tandem...!

Sunday, January 15, 2012

pusong bato

Nakakapagod din pala ipaglaban ang isang taong walang ibang ginawa kundi ang pawalan ka.maling isipin sya,maling mag-alala sa knya,pero ang kalimutan sya...bakit mahirap?
Bakit ba kapag nagmamahal nagiging TANGA ka,bat nagagawang mali ang tama..nagiging mahina kahit dati'y malakas ka?Nagbibigay ng walang kapalit...nagmamahal kahit masakit!
Hirap nho?pero may mas sasakit pa ba...yung nagawa mong umikot ang mundo mo sa knya..pero turing lang pala nya sayo isang basura!Na kahit anong oras kayang itapon,,,dahil sa knya wala kang silbi at kwenta.
Kaya sa pagmamahal mahirap ibigay ng todo-todo,dahil sa huli ikaw ang talo....pag puso kasi umiralmagpapakatanga ito at magpapakagago....bakit ba kasi may mga puso pang ganito?Di ba nauso naman ang pusong bato...bat di mo kaya gayahin..para mabago naman.Hindi puro ikaw ang luhaan sa dulo!
Bakit di mo subukan at pag nagawa mo...sabihin mo sa akin.TAMA AKO!

AKO NGA NAKAYA KO...KAW PA!
♥poknat♥

Sunday, January 8, 2012

AKALA KO IKAW NA

AKALA KO IKAW NA!
ni:ara castillo

Noong una kang makita'y balewala talaga,
Di ikaw ang pinangarap na aking makasama,
Ngunit sa tiyaga mo at iyong pinakita,
Kung pano akong ituring sa'yo'y napakahalaga.

Di ka naman sadyang mahirap mahalin,
Lalo't katapata'y pinadama sa akin,
Takot man ang pusong muling paluhain,
Nahulog ang loob,ikaw'y minahal rin.

Nangakong hanggang wakas ako'y iibigin,
Ibibigay lahat ng aking naisin,
Paghihirap ng puso'y di ko dadanasin,
Sana'y wag kang magbago,aking panalangin.

Sa paglipas ng araw tayo'y kaysaya,
Ikaw at ako wala na ngang iba,
Kahit ano pa ang sabihin nga nila,
Sa'yo daw di liligaya,luluha daw anila.

May ugaling mainisin kaydali mong magalit,
Di dapat gawin ito,sadya bang kayhigpit,
Dahil sa mahal kita lahat aking tiniis,
Kahit lahat sa atin,umaayaw paulit-ulit.

Hindi man ikaw ang perpektong lalaki,
Mga sinasabi nila'y di ko iniintindi,
Basta't mahal kita yun ang importante,
Ipinaglaban kita kahit gaano sila karami.


Ngunit isang araw bigla kang nawala,
Ngiti sa labi ko'y napalitan nga ng luha,
Ba't biglang nagbago ano ang nagawa?
Di nagparamdam naglahong parang bula.

Labis na tamis sa una'y nakamit,
Wakas pala nito'y walang kasing pait,
Kailan magagawa ikaw ay iwaglit,
Narito ka sa puso ko habang pumipintig.

Bukas ang pintuan sa iyong pagdating,
Kahit kailan aking hihintayin,
Ang iyong paglisan di malinaw sa akin,
Tapat kong pagtingin,tinangay lang ng hangin.


Di na nga sana kita ay nakilala,
Di na nga sana sa'yo nahulog pa,
Tahimik kong puso'y  niligalig inabala,
Pagmamahal  ang kapalit ay luha at dusa.


Akala ko ikaw na aking makakasama,
Ikaw pala ay bulaan na katulad ng iba,
Akala ko ikaw na sa hirap at ginhawa,
Akala ko ikaw na...kayhirap ng umasa!

♥POKNAT♥

Dec.02,2011
11:46PM PHL

Tuesday, January 3, 2012

BAGONG TAON,BAGONG BUHAY

Bagong Taon, Bagong Buhay
Ara Castillo Moises

Isang taon nga ay kaybilis lumipas,
Sari-saring karanasan aking dinanas,
Malungkot,masaya,may pait pang bakas,
Isang yugto sa buhay ko na ibig umalpas.

Bagong taon ay sasapit salubungin ng may tuwa,
Harapin bagong umagang hatid ng pinagpala,
Bagong simula,bagong yugto kahit pa lumuha,
Pasalamat sa ating buhay bigay ng Maylikha.

Kung muling babalikan at sasariwain,
Nagdaang taon sadyang kaylupit sa akin,
Di man isatinig at aking isa-isahin,
Bigat sa dibdib ko'y nandirito pa rin.

Umibig ng tunay,nagmahal ng wagas,
Sumumpang magmamahalan hanggang sa wakas,
Ngunit ang puso ko'y nasaktan lang,umiyak,
Luha naging sukli sa puso kong tapat.

Ilang beses na bang naranasang masaktan?
Bawat salitang sinasambit pawang kabulaanan,
Tila ba kaydaling sumira sa sumpaan,
Ituring bang puso ko'y isa lamang laruan.

Isa lamang tanging hiling ng puso kong naninimdim,
Di naman naghahangad na biglaang may dumating,
At kung sakali mang panaing muli ang damdamin,
Sana naman'y tunay na't pagluha'y di danasin.

Di naman siguro lagi na lamang talunan,
Pagluha at sakit aking nararanasan,
Sa darating na taon baka akin ng matagpuan,
Pusong tapat na sadyang sa akin nga inilaan.

Paalam na sa'yo taon ng kalungkutan,
Paalam na sa'yo taon ng kahirapan,
Ngayo'y sasalubungin ko taon ng kasayahan,
Taon ng buhay ko,tuwa at kasaganaan.

Salamat sa mga ala-alang dulot mo,
Mga gabing may pagluha,nagsusumbong sayo,
Sadyang kayramot ng kapalaran,ako'y sinusubok mo,
Heto pa rin lumalaban,nakatayo kahit talo.

Bagong taon,bagong simula ng aking buhay,
Bagong buhay kasabay ng pagsikat ng araw,
Bagong pag-ibig sana'y dumating puro at tunay,
Bagong taon ay sasalubungin may ngiti,walang lumbay.

Salamat sa Iyo sa lahat ng pagsubok mo...
Pinatatag ,pinatapang sa laban ng buhay ko,
Ikaw na nagbigay nitong buhay na hiram SA'YO,
Bagong taon na darating haharapin na KASAMA MO!

Sunday, January 1, 2012

SUGAL

Hindi ko hinihintay na iyong sabihin,
Na ako nga'y tunay na minamahal mo rin,
Mas higit pa sa katagâ o salitâ ng pag amin,
Ang nais kong marinig at iyong banggitin.


Hindi lang nais na ika'y makapiling,
At aking madama ang iyong paggiliw;
'Di lang halik mo't yakap ang aking hiling,
Bagkus ay pag-ibig mong 'di nagmamaliw -


Hindi lang nais na laman ng 'yong isip,
At sa 'yong pangarap ay laging kalakip;
Kun'di ang makita ka sa bawa't saglit,
Dahil ang puso ko'y hindi ka maiwaglit .-


Higit pa sa anumang katagâ,  O hirang,
Higit pa sa mga bagay na may taglay na kinang,
Higit pa sa panaginip at pangarap kung minsan,
Pag-ibig ko sa 'yo 'y tanging ikaw lamang.

Ang nais ko'y maalala ako ng yung puso,
nalimutan ng isip mo at dito itinago,
Kung nangyari mang may iba kang kasuyo,
Tatanggapin ng maluwag walang pagdurugo.

Aking hinihihintay na iyong wikain,
Ako at ako lamang iyong mamahalin,
Hinding-hindi iiwan ano man ang sapitin,
Sa hirap man o sa ginhawa ikaw pa rin ay akin.

Sadya ngang ang puso kayhirap turuan,
Mali mang dumating,at pigilin pagkaminsan,
Hindi inalintana ang kahahantungan,
Basta masunod lamang bulong ng kalooban.

Mali bang magmahal ng tutuo at tunay?
Mali bang umibig kahit pa masaktan?
Nasasaktan na't lahat bat pa nagmamahal,
Mundo ba ay titigil kung ito ay takasan?

Pag-ibig mo ang siyang nagbibigay ng kulay,
Umiyak man at masaktan patuloy pa rin ang buhay,
Patuloy kang mamahalin at handang sumugal,
Sa sugal ng pag-ibig handa akong lumaban.

Manalo man o matalo lalaban ng todo,
Ipupusta ang lahat basta hanggang dulo,
Kapag ako'y tumigil sa sugal ng buhay ko,
Mundo kong gumuho paano pang mabubuo?

dec.31,2011
12:46 am PHL TIME
♥ara/poknat♥

WELCOME 2012

Bagong taon na naman....Bagong simula,bagong pag-asa!Sabi ko pa naman bago magtapos ang taon di pedeng di ako mag-post dito,kaya eto nagising..it's the first day pa lang naman.may one hour pa ako kaya di pa late.Goodbye na 2011...Salamat sa magagandang alaala...gayundin sa mga malungkot at sobrang sakit at hirap na na-experience ko that year.buti na lang Jan.01 na.(2012)Hoping it's a new welcome for me dis year,good vibes,good mood..kahit medyo sad pa rin....sad ako kasi until now wala pa rin ako EPI(employment permit issuance )papuntang Korea,Need to have work...yun ang sobrang nagpapa stress sakin..Ano?LUVLYF...not so focus dyan..bahala ba yan!di naman ako lucky sa Love..masasaktan lang at iiyak!It's new me...I have to control my feeling...hirap ma-fall...may katangahan pa naman ako dyan!pag sa Love...5 ang Grade ko,,,as in bagsak talaga!Kaya 2012...FRIEND TAYO HA?Wish me luck!HAPPY NEW YEARRRRRR!!!