bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, October 6, 2011

IKAW NA LANG ANG KULANG♥♥♥

IKAW NA LANG ANG KULANG♥♥♥
ni:ms.ara castillo

Mundo kong inakalang wasak at sira na,
Lugmok sa kalungkutan,wala na rin ang pag-asa,
nagdilim ang paligid,dating kulay naglaho pa,
ito'y naramdaman mula ng nawala ka.

Ikaw ang dahilan ng aking kasiyahan,
ikaw din ang nagbigay labis kong kalungkutan,
mga pagbabago mong di alam ang dahilan,
ano pa ba ang nais..at aking papatunayan.

Papatunayan nitong puso kung gaano kita kamahal,
pagmamahal ko sayo'y wala ngang sukatan,
dahil dito sa puso ko'y tanging ikaw lamang,
Iibigin pa rin kita mundo man ay magunaw.

Karugtong ng puso ko't aking katuwaan,
pag di ka natanaw dulot ay kalungkutan,
sa sandaling kausap ka labis ang kasiyahan,
kung sana'y narito ka at aking abot tanaw.

Tanging pangarap ko'y ang ikaw'y makasama.,
paglilingkuran ka sa abot ng makakaya,
di papayagang sa akin muling mawalay pa,
ipadarama ko sa'yo kung gaano ka kahalaga.

Sa buhay na ito'y wala ng ninanais pa,
kundi ang mayakap at makapiling ka sana,
laging idinadasal at isinasamo sa KANYA,
dumating na ang araw na ikaw ay makasama.

Laman ng panaginip at aking pangarap,
di maipaliwanag idinudulot mong galak,
kung kaya ko lang sanang ang oras ay mahatak,
ginawa ko na sana upang ikaw ay mayakap.

Ang makapiling ka'y tangi kong inaasam,
yaring pag-ibig mo'y itinuring na kayamanan,
Di ko kailangan anumang luho't kalayawan,
sa buhay kong ito'y IKAW NA LANG ANG KULANG!

♥poknat♥
Oct.06,2011

No comments:

Post a Comment