bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Friday, October 14, 2011

SANA SA PASKO

Sana sa Pasko
ni:Ara Castillo Moises

Simoy ng hangin kaysarap ng damhin,
Nararamdaman na ang Pasko'y paparating,
ngunit sa puso ko'y lungkot at paninimdim,
kung bakit nga gayon di kita kapiling.

Tanging hinihiling at idinadalangin,
Na ikaw'y makasama sa Paskong darating,
Libangin ang sarili akin mang pilitin,
Gindi ko magawa,ang nais ay ikaw pa rin.

Kahit sabihin pang pagitan ay milya-milya,
Pag-ibig ko sayo'y hindi mag-iiba,
habang nagtatagal lalong lumalalim pa,
Tanging ikaw lamang ang nais na makasama.

'Ngunit di maiwasan ang malungkot ng lubusan,
Lalo at sasapit araw ng kapaskuhan,
Umiiyak ng lihim sa sakit ng kalooban,
Sasapit ang Paskong,nag-iisa..nag-aabang.

.Pagsapit ng gabi na may kalamigan,
Tanging kumot at unan ang aking karamay,
init ng yakap mo ang aking kailangan,
Sana sa paskong darating..ikaw ay nariyan.

Ilang Pasko pa bang ako'y mangungulila?
Sa Noche Buena sana ika'y makasama,
Kailan nga kaya Pasko ko ay liligaya,
Sana sa Pasko mahal..hihintayin kita.'

No comments:

Post a Comment