bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

ALA-ALA MO

naaalala ko nung mga araw na tayo;
nagtatawanan sa mga bagay kahit na baduy ito;
lumilipas mga oras na parang kaybilis nito;
hindi alintana basta ikaw kausap ko.

kaysarap isipin mga araw na nagdaan;
pagsasamhan akala mo walang katapusan;
tinanong pa kita noon"gaano mo ako kamahal"
ang sagot mo naman"mahal kita hon,hindi masusukat yan".

sarap pakinggan,salitang binitiwan;
pakiramdam ko noon ako'y idinuduyan;
kaya pag-ibig ko sa'yo ay iningatan;
ngunit gayunpaman,bat biglang naparam.

sadyang ganun kaya sa pagmamahalan;
maging handa ka sa anumng kahahantungan;
kahit alam mong mahal kang lubusan;
bakit biglang nagbago sya'y nagpaalam.

kahit anong gawin kong ipaglaban;
kung ikaw man ngayon nasa piling ninuman;
kahit di mo man aminin ang katutuhanan;
ika'y malaya na hangad ang yong kaligayahan.

No comments:

Post a Comment