bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

PALIGSAHAN

Bago pa man basahin ni Admin COCO ang tulain;
puso ko'y kumakaba,naligalig ang damdamin;
...Kung paanong di gayon,tahanan ko'y sa bukirin;
Sa paligsahang gagawin,utak ko ay hahasain.

Sa ginawang paligsahan dito sa Lover's Lane'
isang samahan dito sa aklat ng networking;
Lahat ng makata inanyayahan nitong magandang Admin;
Paligsahang sa paraang patula sya ay batiin.

Paano kayang ang isang tulad mo'y pakiligin.
sinabi sa sarili anumang mangyari'y pipilitin;
Kahit umabot pang utak ko ay pigain;
Kita'y pagbibigyan masunod lang iyong hiling.

Sa larangang ito ako'y sadya pang bagito;
Sa paghabi ng salita mababaw,at kulang pa ako;
Dito sa paligsahan magagaling mga katungggali ko;
Sa nilalaman ng tulain...di naman ako patatalo.

Sa paramihan ng boto tiyak ako na nga ay talo;
Sa pagboto sa katha ko mag-like ang may gusto;
Di na hinahangad dyan makuha ang premyo;
Ok na sa akin,ang mahalaga naibahagi nasa isip ko.

Dito sa paligasahan sa dami ng Entry ko;
Hindi na matandaan ito na yata ang pangwalo;
Kahit na nga dito walang madaming magkagusto;
Bigyang kasiyahan si Miss FLORENCE,iyon na ang panalo ko.

Lahat na ng papuri kanila ng nasambit;
Di na ito kailangang banggitin ng paulit-ulit;
Sa pamamagitan ng tulain ito lamang naiisip;
Tanggapin aking handog Miss Florence na marikit.

Wag ka sanang magsawang sa katha ko'y tumunghay;
Pagkat materyal na bagay wala akong maibibigay;
Tanging mga tulain sayo aking maiaalay;
Kahit ako'y mahirapan;mga salita maghuhukay.

Dahil sa paligsahan pagsulat ko'y nasimulan;
Pagpapaunlak kay Miss FLORENCE,para sa kanyang kaarawan;
Kahit pa araw-araw ika'y aking hahandugan;
Mapangiti ka kahit kaunti;ng tulad kong baguhan.

Mga tulaing kinatha para sa'yo MISS CALICA;
Mula sa puso ko sinulat ng may tuwa;
Sa paligsahan mo di man ako ang pinagpala;
Makiisa sa KAARAWAN mo tangi kong magagawa.

No comments:

Post a Comment