bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

PAHINA

Hindi maiwasang sa isip ko kumitaw;
Ang isang kahapon sa aking balintataw;
Ang dating noon sa puso ko ay pumukaw;
Ngayon syang dahilan kung bakit namamanglaw.

Sadya ngang ganyan bawat yugto ng buhay;
di bawat pahina puro hinagpis at lumbay;
Sa agos ng buhay dapat ka ng masanay;
Upang di malunod,matuto kang makisakay.

Sa aking pagkainip ako'y naghalungkat;
natagpuan isang aklat luma na ang pabalat;
ako ay nag-isip..bahagyang binuklat;
Sa aking nasaksihan ako ay nagulat.

Pahinang natunghayan ng aking binasa;
kasiyahan ang nadama sa unang entrada;
Sa pahinang dinaanan sadyang kakaiba;
may disenyo ang letra kasama ang paanyaya.

Pahina'y mayroong engkantado't engkantanda;
tila ba wari mo'y nasa lugar ng Engkantasya;
At si Bb.FLORENCE CALICA,ang dito'y prinsesa;
PAHINA NG SAYA napapaligiran ng gwardya.

Sa paglagi sa pahina,dulot ay labis na tuwa;
mga agam-agam sa puso,naglahong parang bula;
Sa pahinang tulad nito lungkot mo mawawala;
Pahinang LOVER'S LANE katha ni MS.CALICA.

Dito nga sa pahina'y may paligsahang magaganap;
Kaarawan ni Ms.FLORENCE sa buong ere lumaganap;
Nang aking mabatid sa isip ko'y may kumislap;
Dito ipagpapatuloy naunsyami kong pangarap.

Sa paghabi ng tula di man ako kagalingan;
Sa abot ng isip ko aking papatunayan;
ngunit Bb.Florence minsan po'y pagpasensyahan;
Kung minsan po'y makulit at madaming katanungan.

Maraming salamat po isa sa inanyayahan;
dito sa pahina mo tumigil at makipagsabayan;
Dito sa pahina mo ipinaaabot;ipinararamdam;
Taos pusong pagbati sa araw ng iyong kapanganakan.

No comments:

Post a Comment