bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

SA AKING KAARAWAN

Di maiwasang balikan nakaraan;
masasayang araw sa buhay ko naranasan;
na may isang taong sa akin ay nagmahal;
buong akala ko ito'y tutuhanan.


Sa twing kausap ka walang pagsidlan;
itong ligayang sa dibdib ko nananahan;
tawanan,kwentuhan at mga biruan;
at pagsasabing "mahal kita"anong sarap pakingggan.


Hindi ka man nakita ng personal;
tapat ang puso ko't alay na pagmamahal;
walang hinahangad kundi iyong kaligtasan;
laging dinadasal sa Kataas-taasan.


nagdaang kaarawan di malilimutan;
anong saya ko kahit walang handaan;
lalo na't sinabi mo nung ako ay tawagan;
"hon...hapi-birthday"sakin
sapat na yan.

ikaw na ninais makasama habambuhay;
na syang dahilan nitong aking lumbay;
sayang na pag-ibig sayo inialay;
ikaw nagparanas ng sakit na walang humpay.


Sa darating na kaarawan;aking kahilingan;
lahat ng hinanakit sa isip ko pakawalan;
gusto ng makalaya sa pag-ibig mong kasinungalingan;
hangad ng puso ko kalimutan kang tuluyan.


Di na papayag puso ko'y muling saktan;
pipilitin kang iwaksi dito sa isipan;
maaring di nga ikaw sa akin nakalaan;
sa puso'y buburahin nakaukit mong pangalan.


tunay na pag-ibig sa'yo lang ipinangako;
ngunit di mo pansin lalo kang lumalayo;
sadyang di ko na kaya pagod na itong puso;
salamat sa lahat sa huwad mong pangako.

di naman naghahangad ng anumang kayamanan;
tanging nais lang tunay na kaligayahan;
ngunit ang lahat iyo lamang sinayang;
hangad ko mahanap mo ligaya ng isipan.

dito sa buhay ko'y wala ng inasam;
makapiling ka at sa'yo iparamdam;
ngunit lahat nga ng bagay may hangganan;
puso ko'y pagod na..mahal ko paalam.

pagod na ang pusong puro pagbibigay;
puro pasakit at laging naghihintay;
luha at pasakit tanging nakamtan;
lintik na pag-ibig na puro kasinungalingan!

alam ng lahat ikaw lang ang minahal;
dito sa puso ko ang syang nakatanghal;
sa aking kaarawan aking kahilingan.
ika'y malimutan at palayain ng tuluyan.

sa darating na kaarawan,aking uumpisahan;
panibagong nilalang sa mundo lalaban;
mga nakaraan akin ng iiwan;
muling isisilang isang babaeng MATAPANG!!!

No comments:

Post a Comment