pilit nililimot,pilit itinatapon;
ang alaala mo sakit naroon;
igagalang na lang iyong desisyon;
malilimot din kita dadating ang panahon.
halos sayo na umikot yaring buhay;
lahat nakakaya nariyan ka nakaagapay;
sabi mo noon di pababayaan;
bakit ngayon nagmaliw ano ang dahilan?
di ka masisisi sa yong kagustuhan;
salamat sa lahat ng ating pinagsamahan;
wala ka man sa piling di malilimutan;
na ikaw sa buhay ko minahal ko ng minsan.
paalam sa'yo aking mahal;
lahat dito sa mundo sadyang may hangganan;
di man tayo itinakda o magkapalaran;
mananatili ka sa puso magpakailanman.
No comments:
Post a Comment