mula pagkabata sya ay kaibigan;
mula unang baitang dun sa paaralan;
sa aming klase sya ang kauna unahan
kasi nga naman sa taglay nyang katalinuhan.
hanggang sya ang aming valedictorian;
kahit pa nga kami ay transfer lang;
lumipat kami ng paaralan;
kc sa baranggay namin hanggang grade IV lang.
dumating ang pasukan sa haiskul nagkita nnmn;
ngunit sya ay di na katabi sa upuan;
kasi nga sa science section sya nabibilang;
kaya sya nalang aking pinupuntahan.
ngunit dahil sa taglay na kahirapan;
mga pacontest di nya masalihan;
kasi nga mga kaklase'y mayayaman;
ano nga naman kanyang ilalaban?
ngunit kaibigan ko ay di sumuko
nakagradweyt ng haiskul sa hirap di sumuko;
ngayon sa kolehiyo aming napag-usapan;
sya ay pumasok skolar ni congressman;
ayun kaibigan ko nasa deans list na nnmn;
sa mga examination ,exempted sabi ni ma'am.
ngunit kaibigan ko sadyang may katangahan;
ng makilala lalaking di kaguwapuhan;
ipinagpalit pag-aaral ayun nakipagtanan;
ano ngayon mangyayari,ano ang kahihinatnan?
dun cla tumira sa malayong bukirin;
lahat tiniis nitong kaibigan kong naduling;
hirap na nga sya.,,mas lalo pa sa piling
ng lalaking sinasabing kanyang tanging giliw;
magsisi man sya tinamaan ng magaling;
ang lalaki pala'y walang kasintamad;
ang nais lang matulog magdamag:
sadya ngang kaibigan ko'y kanyang nabulag.
kaya napagpasiyahan nitong aking kaibigan;
magtrabaho na lang sa malayo makipagsapalaran;
dalawang anak nila'y kaniyang iniwan;
ang magaling na lalaki nangakong aalagaan;
ngunit pagdating nya dun sa ibang bayan;
tawag na agad pera daw kailangan;
kasi nga daw si bunso kailangan patignan;
inaapoy ng lagnat kailangan dalhin sa pagamutan.
hiram agad ng pera itong aking kaibigan;
padala naman ng pera sa asawang salawahan;
di nya lang alam pawang kasinungalingan;
aking nakita si bunso naglalaro lang;
ang magaling na lalaki di ko alam kung nasaan.
kaibigan ko kaya sadyang nagbubulag bulagan?
o sadyang sya lang taglay nga katangahan.
lumipas mga taon sa gitnang silangan;
lahat ng pagtitipid tiniis ng aking kaibigan;
tatawag si mister hihingi ng kaperahan;
magmumura pa pag di napagbigyan;
tapang ng hiya ng lalaking gahaman;
di magbanat ng buto walang kahihiyan.
lahat ng gusto kanyang pinagbibigyan;
lahat ng luho kanyang ibinibilan;
hanggang nagising na sa katutuhanan;
itong aking kaibigan,salamat naman;
nuong una tiniis mga kasinungalingan;
kasi ayaw nya mga anak maapektuhan;
ngunit ang lahat humantong din sa hiwalayan;
masisisi nyo ba ang aking kaibigan?
kung ganitong klaseng lalaki kanyang iniwanan?
wag nyo naman sanag husgahan;
ang naging pasiya nitong aking kaibigan.
lahat ng bagay ay may hangganan din. kung di siya makipaghiwalay sa kanyang asawa, tiyak purong paghihirap ang daranasin nilang mag-iina.
ReplyDelete