bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

HULOG NG LANGIT

15th entry ko po......

HULOG NG LANGIT
ni:ms.ara castillo

Dito sa isang pahina ng FACEBOOK;
Biglang nagsulputan dami ng kalahok;
Kanilang mga tulai'y hindi ko maarok;
Lahat nagsisikap na gantimpala'y maabot.

Banaag nga itong kahirapan;
Pagkakataong ganito ating pasalamatan;
Kay Bb.FLORENCE na magdaraos ng kaarawan;
Mamigay ng papremyo kanyang nakatuwaan.

Tumulong sa kapwa kanyang katuwaan;
Bilang paglingon sa kanyang pinanggalingan;
Dama aksi nya yaong kahirapan;
Nang mga taong tulad kong nangangailangan.

Hulog ka ng langit dito sa aming buhay;
Kababaan ng loob ang taglay mong tunay;
Sana'y bigyan ka pa ng mahabang buhay;
Nang DIOS sa itaas na lagi mong gabay.

Hangad ko Bb.FLORENCE iyong kaligayahan;
Labis ang tuwa ko ika'y natagpuan;
Kasiyahang ituring mong isang kaibigan;
Magkaiba man ang daigdig ating kinalalagyan.

Hulog ng langit kung ika'y turingan;
Anghel kang matatawag ng karamihan;
Anghel na bumaba sa sangkatauhan;
Tutupad sa mga misyon sa sangkalupaan.

Nagdaos ka ng ganitong paligsahan,
Kaligayahang hinahanap sa'yong kaarawan;
Sa halip na ikaw ang syang handugan;
Iyo na lang inisip ang aming kasiyahan.

Salamat Bb.FLORENCE sa iyong kabaitan;
Ligayang hanap mo iyo na sanang matagpuan;
Ihulog sana ng langit sa'yong kaarawan;
Ang lalaking magmamahal sa'yo ng lubusan.

No comments:

Post a Comment