BILANGGUANG WALANG REHAS♥
ni:ara castillo
Bakit hanggang ngayo'y ramdam pa rin ang sakit,
Ala-ala ng kahapong dulot ay anong pait,
Paano ba malilimot at sa isipa'y maiwaglit,
Kahapong sa buhay ko....sa ala-ala nakasiksik.
Pangyayaring yumanig sa aking katauhan,
Naging kalawang sa pag-asa kong harapin kinabukasan,
Tila bilangguang selyado ng mapait na karanasan,
Paano nga ba ang tumakas at harapin ang tamang daan?
Lagi na lang bang bigo sa hamon ng kapalaran?
Sabi nila'y taglay ko ang mataas na antas ng katalinuhan,
Ngunit ba't sa pag-ibig lagi akong talunan....
di ba't sa pag-ibig hindi naman dunong ang pamantayan?
Sa tuwing ako'y mahihiga't mga mata'y ipipikit,
Di maiwasang lumuha sa bawat gabi'y magpagibik,
Ang sandaling limutin ka'y sa utak ko ipinipilit,
Ngunit ako yata ay nakagapos,sa ala-ala mo nakapiit.
Mabuti ngang isiping tunay ng nasa kulungan.,
Nakakatulog ng mahimbing kahit na may kasalanan,
Sa isang tulad kong ang nagawa lang ay magmahal,
Kalayaa'y di makamit....bihag pa rin ng nakaraan.
Buwan at taon na halos ang nagdaan...
Balikan ko ang araw ng ikaw'y magpaalam,
Ngunit sa gunita ko'y parang kahapon lang,
Di ko nga ba matanggap na ako'y isa na lang nakaraan?
Harapin ang umaga'y di ko alam kung paano,
Kung ang gabay at ilaw ko'y nawala sa isang iglap ito,
Paano gagalaw dito sa madilim na mundo,
Habang kamay at paa koy' nakagapos sa tanikalang dulot mo!
Pilit kumakawala sa bilangguang walang rehas,
Pinipilit abutin makisabay sa agos ng buong lakas,
Ngunit paano... ako yata'y di na makatakas,
Kasabay ng paglisan mo'y pag-asa ko yata'y nagwakas.
Tatawirin ko ba tulay ng mapaglarong buhay?
Kung alam kong ako'y hindi pa handa at mabuway,
Susundan ko ba ang mga yapak na aking natatanaw?
Gayong sa kabila noo'y di ko alam ang patutunguhan.
Sa kislap ng mga mata ko'y makikita at masasalamin,
Ang isang nilalang tigib ng lumbay at suliranin,
Makikita mga ngiti ikinukubli mga pasanin,
Sa bilangguang walang rehas kailan ako palalayain?
Ako nga ba'y sadyang sinusubok ng pagkakataon?
Kung gaano katatag..at makawala sa kahapon,
Bakit ako pa ang biktima ang syang nakakulong,
Bilanggo ng puso mo...taglay ko hanggang ngayon.
Kaysakit ang makulong sa bilangguan ng kahapon,
Mahapdi at mahirap kumawala sa pagdaan ng panahon,
Bakit hindi ko magamit ang taglay kong dunong sa ngayon?
Sa bilangguang walang rehas mo...bakit di ako makaahon?
aking mga nalikha...may kasamang luha..ngunit dito nagsimula....na ako'y makakatha;buhat sa pag-ibig na nawala...di ko alam kung muli pang magtitiwala...kaya't itong pahina..para sa mga nangungulila..naniniwala..umiibig at patuloy na umiibig....at mga nakararanas na masaktan at lumuha. masarap magmahal kahit nasasaktan...ito ang pakiramdam na hindi mabibili at matutumbasanng kahit na anong kayamanan.ito ang kaligayahan na nagmumula sa puso.. ng taong minamahal at nagmamahal.....poknat♥
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!
PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥
No comments:
Post a Comment