bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

KASAYAHAN

KASAYAHAN'
ni:ms.ara castillo

Lahat po ay aking inaanyayahan;
Sa isang kasayahang di malilimutan;
...Ito'y pagdiriwang ng kaarawan;
Nang ating kaibigang "FLORENCE"ang pangalan.

Paumanhin po Bb.CALICA,ikaw'y akin ng pinangunahan;
Sa paghahanda sa'yong kaarawan;
wag po sanang mag-alala ng lubusan;
ito po'y libre walang hinihintay na kabayaran.

May ilan dyan ako'y nakukulitan;
Kung si binibining CALICA ilang taon na raw;
Ay naku wag nang masyadong matanong dyan;
Siya'y batang-bata nasa itsura naman.

Kasuotan niya'y aking inihanda na;
mahaba ito at madulas ang tela;
kapag isinuot parang si Cinderella;
Kulay rosas siguradong bagay sa kanya.

Kasayaha'y gaganapin sa plaza;
Puno ng ilaw at bulaklak na maganda;
lalakaran nya'y may carpet pa;
tinutugtog mga paborito nyang musika.

Mga kusinera nama'y di magkandatuto;
Sa mga pagkaing hiling ni admin COCO;
May litson,kaldereta,isda,embutido
;
at di nawala kamatis at pritong tuyo.

Ayan lahat nakahanda na;
ano pa kaya ang kulang baka meron pa;
inumin at pagkain areglado na;
pati ang karwahe,kabayo'y nakadamit pa.

Buti ipinaalala mo kaibigan;
baka tayo pa ay mapagalitan;
nang selebrant nating pinakamamahal;
Si COCO MARTIN pala nasa likuran.

Binibining Florence sanay iyong nagustuhan;
Kasayahang binuo ko sa isipan;
sana sa espesyal na araw ng yong buhay;
makamit mo ang ligayang di matatawaran.

No comments:

Post a Comment