bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

GANTIMPALA

Miss FLORENCE CALICA;taglay mo'y maamong mukha;
Iginagalang na Admin nitong iyong pahina;
...hinahangaan ng lahat sa'yong mga katha;
mga isinusulat mo may aral na mapapala.


yaring patimpalak ito'y napabalita;
nagkagulo mga makata bago man ito o luma;
Sa iyong kaarawan idinaan sa paghabi ng tula;
Ang mga pagbating may kalakip na gantimpala.

Sa laki ng halaga ako'y napatulala;
Pinilit kumatha kahit sadyang di pa hasa;
Sa nakalaang gantimpala malaki ang magagawa;
sa isang tulad kong di ikinahihiyang maging dukha.

Pano nga kaya mahuhuli iyong kiliti;
upang masilayan ngiti sa'yong labi;
at kung sakali man di ako ang mapili;
Mga katha ko po sana'y pagtuunan kahit konti.

Sadyang sa pagkatha ako ay nahirapan;
Impormasyong tungkol sa inyo walang nalalaman;
Tanging nakikita nakasulat sa'yong profile;
Na ika'y isang anak ng bayan ng BAUANG.

Sa gantimpalang nakalaan marami ang nagnanais;
Kung paghabi ng salita katha ko ay magmintis;
ang lahat nakasalalay sa panlasa ni Miss Florence;
Sa ating mga tulain tanging sya ang lilitis;

Di ikinakahiya aming kahirapan;
sa patimpalak na nangyari labis ang kasiyahan;
sa pagkatha ng tula aking pagsusumikapan;
aking maiipon halagang kinakailangan.

Sa paglalakbay ng isip ko ako ay may nadaanan;
paghinto sa kalye di ko mapigilan;
dahil sa daang ito iba sa karamihan;
ang pahinang LOVER'S LANE pinagkakaguluhan.

Sa aking pagtigil ako'y inanyayahan;
nitong si Admin COCO sentro ng kasayahan;
lahat ipinagdiriwang kanyang kaarawan;
Kahit dito ay puno na ako pa di'y nakipagsiksikan.

Pagbati sa'yo Miss Florence aking nais;
at aking masilayan ngiti mong matamis;
Di man makamit gantimpala mong hatid;
Taos pusong pagbati sa kaarawan mo'y naipabatid.

No comments:

Post a Comment