bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Sunday, September 18, 2011

BUONG BUHAY KO

BUONG BUHAY KO
ni:ms.ara castillo

Buong buhay ko'y ngayon lang nakaranas ng ganito....
mahalin ng tapat ng isang katulad mo.....
Isang tulad mong nagmahal ng tutoo....
walang kasingtamis..walang kasing puro.

Buong puso ko'y ikaw hanggang wakas.....
tutumbasan pagmamahal na sa aki'y ipinamalas.....
minsan lang sa dumating pag-ibig na wagas....
asahang aalagaan maging dusa man ang katapat.

Buong buhay ko'y ngayon nagmahal ng husto.....
mga pait ng nakaraan lahat pinawi mo.....
hindi masusukat pag-ibig ko sayo...
labis,umaapaw ...hindi magbabago.

Laging ikaw lamang nasa isip at damdamin....
ala-ala mga ngiti mo't mga paglalambing....
sa twina'y ikaw lamang nais makapiling....
ang makasama ka'y syang tangi kong hiling.

Sa buhay na ito'y walang pinapangarap....
KUndi makasama ka't sa gabi'y makayakap.......
maging maulan man o madilim yaring ulap....
hahawiin ang lahat...upang ika'y makausap.

Asahang pangako ko'y aking paninindigan.....
na tanging ikaw lamang sa puso ko nananahan...
magsilbi man ang puso mo ang aking piitan....
mga dasal ko ang tanging iyong magiging kanlungan.

Buong buhay ko'y ikaw lang walang iba.....
karugtong ng puso ko at bawat paghinga......
at kung mangyari man na ikaw ay mawala.....
yaring mundo ko'y mabubuwal...magigiba.

Sa mga pangarap ko'y ikaw ang kasama.....
bumuo ng palasyo at duon magsasama.....
doo'y ikaw ang hari at ituring mong reyna....
reynang ang puso mo ang aking korona.

Maging sa buong mundo'y di ka ikakahiya.....
makaranas man panlalait,mga pangungutya.....
aking isisigaw at ng malaman ng madla......
Sa buhay kong ito'y ikaw lang..kahit lumuha.

Sa oras ng ating mga pagtatawanan....
pag-uusap at minsa'y mga pagtutuksuhan.....
mga panibugho't pagtatalong di maiwasan.......
sa kabila ng mga ito'y di nagbago ang kalooban.

Kung sakali mang ako'y iyong makalimutan.....
at sumapit sa puntong di na ako ang kailangan......
kahit magsilbi pang isa na lang nakaraan.....
Buong buhay ko'y hindi ka makakalimutan.

Tanging kasiyahan ng puso kong nalulumbay.....
ang limutin ka nga'y hindi makakayanan.....
Aking pangakong sa iyo'y maghihintay.....
Kahit buong buhay ko...sa iyo iaalay!

PARA SA IYO AT SANA MABASA MO♥♥♥

1 comment:

  1. inspired by the song of Sam Milby's "Buong Buhay Ko"my favorite.

    ReplyDelete