bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Wednesday, September 14, 2011

WALA KANG KATULAD♥♥♥


♥♥para sayo Desperado♥♥


Ikaw ang palaging puso ko ay hanap...
na laging laman ng isip ko at pangarap....
Ikaw na nagbigay pag-ibig na tapat...
di makapapayag mawala ka at sukat.

Sayo naramdaman tunay na pagpapahalaga..
kahit na nga tayo'y di pa nagkasama.....
Ikaw ang karamay sa bawat problema....
Nagsilbi kang lakas...kaya aking nakaya.

Sa lahat ikaw ay sadyang kakaiba...
mga katangian mong aking sinamba....
kahit na nga medyo may pagkamasungit ka....
minahal ko ang lahat..ikaw ang ligaya.

Ikaw lang walang iba dito sa aking puso....
kahit mga pasakit mo'y puso nagdurugo....
mga salitang masasakit at mga panibugho....
Tatanggapin ang lahat..dahil tapat ang pagsuyo.

Bawat araw na magdaan ikaw ang karamay....
Tinuring na kapamilya..laging nakaalalay.....
ikaw lang walang iba aking kasiyahan....
na di matutumbasan ng anumang kayamanan.

Kahit pa sabihing kaylayo mo sinta....
na sadyang kaimposiblehan ating pagkikita....
gaano man katagal aking makakaya....
ikaw lang ang nais ko..ikaw lang walang iba.

muling umibig nga'y di ko kakayanin....
kung sadyang kapalaran ma'y madamot sa atin....
ikaw lang ang ligaya at papangarapin....
kung hindi rin lang ikaw...hwag na lang giliw.

Tanging ikaw lamang laman nitong pangarap...
makasama sa pagtanda kahit pa maghirap....
kailan makakamit iyong mga yakap....
init ng halik mo'y kailan malalasap.

Mga kahilingan ko'y kailan matutupad...
maipadama pag-ibig kong tapat..nag-aalab...
tanging ikaw lamang sa buhay ko'y hinahangad....
dito sa puso ko....wala kang katulad!!!

No comments:

Post a Comment