bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

KAIBIGANG HINDI NAG-IIWAN

Mula ng magkaisip dito sa mundong ibabaw;
tandang-tanda pa ipinakilala sya ni nanay;
mula nuon nagsimula na ang aming samahan;
itong aking kaibigan;simula kamusmusan;

sya'y laging nandyan sa oras na kailangan;
lahat ng aking suliranin;kanyang pinakikinggan;
kahit minsa'y nakakalimutan sa oras ng kasiyahan;
laging binabalewala;pero sya pa rin laging nandyan.

sa oras ng kalungkutan,saka sya pupuntahan;
kung mayroong kailangan;sya pinagtatanungan;
kahit minsan dumating na sya'y aking nakalimutan;
pero ngayon nandyan pa din sya handa akong tulungan.

Sya ang aking KAIBIGAN,di ipagpapalit kaninuman;
Nandito sya sa puso ko hanggang sa kailanman;
Sya lamang ang tanging kailangan higit kaninuman;
Si HESUS na kaibigan ng sangkatauhan....

No comments:

Post a Comment