bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

SETYEMBRE

SETYEMBRE by Ara Castillo(16th entry)
By Lover's Lane

...Buwan ng Agosto ng aking nadiskubre;
Sa Lover's Lane may paligsahang nangyayari;
Muntik ngdi makasali..sa dami na dito ng entry;
Dito nga sa pahinang ginawa ni Sir Spammy;
Sa Setyembre uulan nga ng biyaya;
Malalaman na ang pinakamaganda ang katha;
Nang mga kalahok sa paggawa ng tula;
Patungkol sa kaarawan nitong si Bb.FLORENCE CALICA.
Di ba't sa Setyembre din nagsisimula;
ANG paghahanda sa kaarawan ng Maylikha;
Kaya't sa kaarawan ni Bb.CALICA;
Maaari ng maglagay palamuting magagara.
Setyembre buwan ng kanyang pagsilang;
Pinagpalang araw ng kanyang mga magulang;
Bunga ng kanilang pagmamahalan;
Handog ng POONG isinilang sa sabsaban.
Sa Setyembreng buwan na darating;
Sana tayong lahat magkakapiling;
Sa kaarawan nitong magandang Admin;
Doon makakatikim sari-saring pagkain....
Hiling ko sana'y may ice cream din;
ibabalot para sa aking tsikiting;
At pag nalingat mga panauhin;
Palamuting bulaklak ng keyk aking kukunin...
Hep..hep..wag mo naman sana akong pag-isipan;
Nababasa ko ang nasa utak mo;kaibigan;
nakita kita iyong binubulungan;
Si Bb.Florence duon sa may likuran.
Ito akin gagawing remembrance lamang;
ilalagay sa isanggarapon at tatakpan;
na ako'y naimbitahan sa isang kaarawan;
isang Setyembreng di ko malilimutan.
Sana'y madaming Setyembre pa ang dumaan;
Sa buhay mo Bb.FLORENCE aking dasal;
Mula sa buong sulok ng sandaigdigan;
Kami'y bumabati sayo...MALIGAYANG KAARAWAN!!!!!

No comments:

Post a Comment