bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Wednesday, September 14, 2011

DI KA PA RIN MAKALIMUTAN...

Bakit ba hindi ka maalis sa isipan ko..
lagi kong iginigiit sa utak ko na kalimutan na kita...
nasasaktan na kasi ako ng sobra sa mga pinaparamdam mo..
ano ba ang dapat kong gawin para paniwalaan mo.
sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon na ganito..
pero bat yung puso ko di man lang magawang magalit sayo.
kahit kaunti...pero ikaw?manhid ka ba talaga o sinasadya mo.
panong pahirap pa ba gusto mo...lahat sinusunod ko!
lahat mali..wala na akong narinig na papuri..puro pagdududa
at kawalan ng tiwala.kung sasabihin mo naman na hindi na ako.....
ok lang naman eh...i will set you free!pero hindi eh,,,nililito mo isip
at puso ko.....bigla kang nawala tapos bigla kang magbabalik...
at sasabihin mo na di ka nawala?ano yun!taguan?pinaglalaruan mo ba
damdamin ko....kasi alam mo na mahal na mahal kita.pero alam mo..
napapagod na din yata ang puso ko.pero bat ganun...pati utak ko
umaayon na din sa puso ko...hindi ka kayang kalimutan.kailan ba matatapos to?

paghihirap ko...hanggang maubos ba ang pagpatak ng luha ko?
katangahan ba talaga tong pagmamahal ko sa'yo?
sana nga tuloy-tuloy ka na lang nawala....hindi ganito.
lalo ka lang napapamahal sa akin....habang sobra akong nasasaktan!!
sana naman maramdaman mo mga paghihirap ko....
kasi sa kabila ng mga pinaparamdam mo....ikaw pa rin...
ikaw lang di ko rin maintindihan sarili ko..
hindi ko magawang ika'y kalimutan.

No comments:

Post a Comment