bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

PAGBABALIK

pinakamahirap sa isang umiibig ang maghintay;
umaasa ka ng walang kasiguraduhan;
di mo alam kung ikaw ay babalikan;
ngunit ang lahat hindi nasayang;
kasi nga ikaw nandyan na naman;
ano man muli ang kakahinatnan;
ako'y masaya at ikaw ay nasisilayan;
damdaming ito'y di kayang pigilan;
masisisi nyo ba ako,mga kaibigan?

kahit ano pa ang sabihin ng ilan;
lalo na si jismag na aking kaibigan;
masisisi mo ba kung sya ang mahal?
kahit na nga dami kong pinagdaanan;
kahit anong pilit sya'y kalimuta;
nananaig pa din tunay na kalooban;
na sya lang ang lalaking tanging kasiyahan;
haharapin ko kung anong kahahantungan;
ng muling pagbabalik ng aking mahal.
kahit na nga muli pang masaktan;
tatanggapin at handang makipagsugal.

No comments:

Post a Comment