aking mga nalikha...may kasamang luha..ngunit dito nagsimula....na ako'y makakatha;buhat sa pag-ibig na nawala...di ko alam kung muli pang magtitiwala...kaya't itong pahina..para sa mga nangungulila..naniniwala..umiibig at patuloy na umiibig....at mga nakararanas na masaktan at lumuha. masarap magmahal kahit nasasaktan...ito ang pakiramdam na hindi mabibili at matutumbasanng kahit na anong kayamanan.ito ang kaligayahan na nagmumula sa puso.. ng taong minamahal at nagmamahal.....poknat♥
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!
PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥
Wednesday, September 14, 2011
SAKRIPISYO NG ISANG OFW♥
.Noong una kaysarap ng aking pakiramdam...
mag-aayos ng papel upang mangibang bayan....
sabi ko sa sarili magkakaroon na ng katuparan...
mabigyang kasiyahan ang pamilyat mahango sa kahirapan.
habang papalapit aking pag-alis.....
pinagmamasdan at itinatanim sa isip ko ngiting matatamis...
iniisip sa pag-alis ko lahat ng mahal ko aking ma-mimiss....
doon sa ibang bansa ako'y mag-iisa at magtitiis.
sumapit ang araw ng pangingibang bayan....
si inay si itay sumama sa paliparan....
sakit ng loob ko akin lang pinipigilan....
ayaw kong kanilang makita..ako'y aalis na luhaan.
Paglipad ng eroplanong aking sinasakyan....
sabay patak ng luha kong hindi na mapigilan....
kaba sa dibdib ko akin ngang naramdaman....
DIOS ko kaw na po ang bahala"ang syang aking naturan.
Dito sa ibang bansa tiniis ang kalagayan....
iba't-ibang lahi ang nakasama at pinakikitunguhan...
tiis at pasensya lang akin din malalampasan....
lahat ng sakripisyo ko'y para sa pamilyang naiwan.
Dumaan ang mga araw dito sa ibang bayan....
naranasang di matulog ..sikmura'y kumakalam..
minsan pa'y nakaririnig salitang maaanghang....
tingin sa katulad ko'y isang maliit na langgam.
tatawag si nanay..sasabihin ko "ok lang"....
kailangan magpadala matrikula ni junior sa pasukan....
cge po 'nay..mamaya po ako'y magpapaalam....
wag po kayong mag-alala..sarili nyo'y iyong ingatan!!
Lahat isasakripisyo hanggat aking makakaya....
kaunting kasiyaha'y maibigay sa pamilya......
titiisin ang lahat kahit ako ay magdusa....
mabigyan kasiyahan sila...ako di'y maligaya.
mahirap malayo sa mga mahal sa buhay...
lalo't mag-isa ka at wala kang karamay....
kahit gaano katatag hindi ko rin maiwasan....
gabi-gabi sa pagtulog ko larawan nyo ay titigan.
sadyang kayhirap ang mangibang bayan....
inakala ng iba mapera na at mayaman.....
anong hirap makisama sa iba't-ibang dayuhan....
mas masarap pa rin manilbihan sa lupang sinilangan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment