bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

BULAKLAK

Simula ng mapadako sa iyong pahina;
Natutulog kong puso ay sadyang namangha;
...Sa mga nabasa di makapaniwala;
Na may isang tulad mo,mababang loob na sadya.
Sa pagkatha ng tula di man ako kagalingan;
nagsumidhing sumulat upang ikaw ay pagbigyan;
Nais maging bahagi nyaring kasayahan;
Mabati ka lang,isa ng karangalan.
Hindi man kita lubusang kilala;
at sa mga larawan mo lamang nakikita;
di man alam buo mong istorya;
ika'y hinahangaan ng puso kong aba.
mabibilang sa mundo may ganyang hangarin;
ibahagi sa kapwa biyayang narating;
kutad ng isip ko ngayon pa lang hahasain;
mapangiti ka lang,kasiyahan na sa akin.
Tulad mo'y inspirasyon sa mga mahihirap;
kahirapa'y di hadlang sa mga pangarap;
sipag at tiyaga samahan ng pagsisikap;
at sa huli may gantimpala kang matatanggap.
Sa iyo ms.Florence,nais kang pamarisan;
ang isang tulad mo'y kaiba sa karamihan;
Hangad ko'y iyong makamit tunay na kaligayahan;
Na di mabibili ng anumang kayamanan.
Tanging hiling ko lamang sa iyong kaarawan;
lahat ng kabutihan sana ikaw ay suklian;
walang maihandog sa halip ikaw ay handugan;
munti ko sanang tulain,iyo na lamang pagpasensyahan.
Kalakip nitong tulain ay isang bulaklak;
Tulad ng iyong pusong malinis at busilak;
Habang sumusulat luha ko'y pumapatak;
dahil may isang Ms.florence...sa isip ko'y tumatak!
Muli ipinaparating taos puso kong pagbati;
Na sana ating Maykapal,pagpalain ka palagi;
Sa darating na kaarawan makamit minimithi;
At laging mamutawi mga ngiti sa'yong labi.

No comments:

Post a Comment