bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 20, 2011

MINAHAL DIN KITA

"Minahal Din Kita"
(Danilo C. Diaz)
I
Tanong ng puso mo kung sasagutin ko
masasaktan ako kahit di ko gusto,
Pag-ibig ko sayo sakaling nagbago
dahil sa tulad mo alangan na ako.
II
Di napipilitan sadyang kailangan
kita ay layuan kahit na luhaan,
Mayro'ng pagdaramdam sa aking paglisan
kita'y minamahal totoo at tunay.
III
Luha ko'y papatak palaging tatagas
tuloy sa pagkatas hanggang sa magwakas,
Sa aking pangarap lagi kang kayakap
minahal kang tapat kahit hindi dapat.
IV
Ako ay limutin muling sasabihin
huwag nang isipin wala nang ituring,
Ang ako'y hanapin huwag na gagawin
sa iba'y tumingin pag-ibig ibaling.
V
Iyong pagmamahal di malilimutan
sa akin ang buhay lahat nga ay ikaw,
Ang paghihiwalay parang kamatayan
ako ang humukay ngunit kailangan.
VI
Kung ako'y wala na wag nang isipin pa
mga ala-ala ay limutin mo na,
Sana'y lumigaya sa piling ng iba
paalam na sinta minahal din kita.

dcd/dodie
20Sept2011



(NAKILALA KO SI MR.DANILO DIAZ ..isa sa mga poet ng EMANILAPOETRY.
NAGSAGUTAN KAMI SA PARAANG PATULA...AT ITO ANG KINALABASAN.
SALAMAT KUYA DONDIE...!)

No comments:

Post a Comment