bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

WAGAS NA PAGMAMAHAL

Naranasan mo na bang sa pag-ibig paglaruan?
paasahin ka na akala mo'y tutohanan....
ibinigay mo ang lahat para sa minamahal...
inalagaan ng lubos at iyong iningatan.


ngunit sa kabila ng lahat at pinakamasakit....
di mo sya malimot kahit anong pilit....
sya pa rin walang iba ang nais mo't ibig...
ano ba ang dapat gawin ng isang pusong manhid?

di ba ang pag-ibig ay pagmamahalan?
ngunit bakit mas maraming pusong luhaan...
dapat ba pag umibig kailangan kang masaktan?
ito ba ang panuntunan ng isang nagmamahal?

sadyang ang pag-ibig nakalilito....
di maintindihan kung ano gusto nito...
kung sino mahal mo sya ang ayaw sa'yo...
ang nagmamahal ng tutuo sya pang niloloko!

mahirap nga bang makita't matagpuan..
nilalang na sa'yo'y sadyang nakalaan...
kaakibat na ba talaga pag nagmahal ang kalungkutan...
hindi ba maaring puro na lang kasayahan?

nakakalungkot pag aking namamasdan...
nang dahil sa pag-ibig may mga taong namamanglaw...
pag-ibig nga bay hanggang sa umpisa lang?
kapag nagmahal ka kailangan ba talagang masaktan?

tunay na pag-ibig ba'y sadya nga bang ganyan...
puro pagdurusa at pagluhang walang katapusan...
kailan magigising ang puso sa katutuhanan....
tinitiis ang lahat kahit pa nasasaktan.

sabi nga nila pag daw pagmamahal ay tunay...
kahit ang daigdig sa minamahal ibibigay..
magmamahal ng labis..walang kapalit na hinihintay...
kung para sa iniibig lahat iaalay.

ngunit ang pag-ibig ay parang hamon ng buhay.....
kailangan mong lumaban sa mga dapat pagdaanan...
maging anong hamon o unos ang dumaan....
ito ang susubok sa samahan kung gaano ka katibay!!!

at lalong pag-ibig ay hindi isang laro....
na kahit sino at pwede ay gugustuhin mo......
ang pag-ibig ay mahalagang sandali sa buhay ng tao....
na nararamdaman mo sa taong mahalaga ibinibigay ito!

No comments:

Post a Comment