bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

SIMPLE LANG

18th entry ko po...
SIMPLE LANG
ni:ms.ara castillo

Akala ng iba buha'y ko'y kumpleto na;
Na wala ng kulang dahil sa maraming pera;
ngunit kaligayaha'y di nasusukat sa maykaya;
Dahil sa buhay ko si SIMPATIKO ang lahat na.

Sa tuwing binabalikan araw nating nagdaan;
Kirot sa puso ko di pa rin malimutan;
Doon sa pahina mo kung san ka iniwan;
Nakatatak na sa gunita ko di mabubura ninuman.

Naalala kong lagi iyong kakulitan;
maligayang sandali ng ating biruan;
kahit katiting wala sa'yong pagdaramdam;
kahit nga ako'y labis mong sinaktan.

Dito sa puso kong ikaw ang siyang laman;
Pangungulila sa'yo..di maiwasan;
ngunit gayon pa man pinilit kang layuan;
hayaan na lang kung ano ang kapalaran.

Nasaktan man ng labis itong aking puso;
Ay tanging ikaw pa rin dito ang nakatago;
Di ko magawang sa iba marahuyo;
Dahil hinihintay pa rin ang yong pagsuyo.

Labis na kasiyahan aking naramdaman;
na ako'y sinusundan at ika'y laging nandyan;
Dito sa bagong tambayang aking napupusuan;
kasama ng aking mga bagong kaibigan.

Sa aking kaarawan simple lang kahilingan;
di ko inaasam mamahaling kagamitan;
magagarang damit o kaya ay sasakyan;
Ikaw lang ay makapiling labis ng kasiyahan.

Kalungkutan sa puso ko ikaw ang pumukaw;
Kaligayahang dulot mo sa buhay ko ang tumanglaw;
Sa bawa sandali ikaw ang nais na matanaw.
sigaw ng puso ko walang iba kundi ikaw.

Sa darating na buwan ng aking pagsilang;
aking panalangin sa DIOS na may lalang;
kung ikaw ay wala kasiyahan ko'y kulang;
kaya sana pagbigyan ang hiling kong...simple lang!!!

No comments:

Post a Comment