bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

BAKIT MAHAL?

bakit mahal bigla kang nagbago?
gayong ako'y walang maling nagawa sayo
lahat ng gusto mo ay sinusunod ko;
bakt ngayon ganyan pa ang isinusukli mo?

Sabihin man nilang ako'y isang tanga;
sa dami ng luhang tumulo saking mata;
lahat titiisin ng dahil sayo sinta;
mapatunayan lang "ikaw lang walang iba".

Sobrang ligaya ko pag kausap ka sinta;
kahit sa chat lang tayo nagkakilala;
ang puso ko sayo na itinalaga;
hihintayin ang sandali ng ating pagkikita.

Kahit nag-iba pakitungo mo sa akin;
di pa rin magbabago aking pagtingin;
nararamdaman ko na sadyang ako pa din;
nariyan sa puso mo,wag mo ng ilihim.

kung ako man ay sinusubok mo;
kung gaano katatag pag-ibig ko sayo;
pag-ibig kong itoy di magbabago;
ikaw at ikaw lang ang iibigin ko!

lahat ng pasakit aking kakayanin;
mapatunayan ko lang tunay ang layunin;
pakiusap ko wag mo lang sabihin;
na ika'y layuan at wag ng ibigin.

kahit anong gawin nitong puso kong haling;
di ko makayang sa iba ibaling;
tanging ikaw lamang at tanging ikaw pa din;
ang syang hinihiyaw ng puso kong naninimdim.

bakit mahal ako'y ginaganito...
anong pagkukulang at bigla kang nagbago?
kahit pa ganyan ipinaparamdam mo;
buong tapat kang mamahalin..maghihintay ako!

No comments:

Post a Comment