bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 19, 2011

IKAW ANG SAGOT SA AKING DASAL

IKAW ANG SAGOT SA AKING DASAL♥
ni:ara castillo

Sa dami ng pagsubok na aking naranasan....
mga yugto ng buhay kong hindi malilimutan.....
may masaya malungkot at minsan iyakan......
heto pa rin ako ...nakatayo...lumalaban.

Hindi nalilimutang tumawag sa Maykapal.....
mabigat na pagsubok man aking tinataglay.....
maluwag sa puso ko at aking dinadasal....
tunay na pagmamahal akin ngang matagpuan.

Tiniis mga hirap at bawat pasakit.....
iniwan mga minamahal kahit masakit sa dibdib...
nagtungo sa ibang bayan upang pangarap makamit...
doon nakipagsapalaran ....sinuong ang panganib.

Nagtiis ..nangulila..namuhay ng payak.....
pinilit na abutin mga mumunting pangarap....
mga kalungkutan ko'y napalitan ng galak....
nang ika'y makita ko at aking makausap.

Mundo kong malungkot at dating walang sigla.....
ngayo'y puno ng kulay at laging masaya....
ito'y dahil sa'yo ng sabihin mong "mahal kita"...
buhay ko'y biglang nabago..sadyang ibang-iba.

Panalangin ko nga'y dininig mo..Dios ko....
mula ng makilala ka at ako'y inibig mo....
akala ko noon di na mabubuksan ang puso ko...
pinawi mong lahat kalungkutang meron ako.

Bawat dasal kong ikaw ay ingatan....
ingatan kang palagi labis kong minamahal....
tanging sinasambit maging gabi at araw.....
wala na ngang iba kundi ang yong pangalan.

Salamat at dumating ka sa aking buhay.....
kabiyak ng puso ko at isang kaibigan.....
wala ng hihilingin ikaw lang ang kailangan.....
dahil tanging ikaw na....ang sagot sa aking dasal!

No comments:

Post a Comment