Si Ninoy noon ang nagpasimula,
Sa pagtuligsa sa diktadurya ng bansa,
Kaya noo'y sambayana'y namulat,
Dahil sa kanyang mga panulat.
lahat ng hirap, kanyang tiniis,
kahit kapalit, dugo ang ipinawis,
hanggang pati buhay niya'y ibinuwis,
makapangyarihang agila, maputulan lang ng bagwis.
si Ninoy nga ang isa sa dahilan,
nang paglaya nitong ating bayan,
hindi sa banyagang mula sa kanluran,
kundi sa kapwa Pilipinong sakim sa katungkulan.
sino nga ba tunay na salarin?
sa pagpatay sa mahal na senador natin?
totoo kayang si Galman na namatay din?
o mga sundalong sadyang utusan din?
kaya Sen. Benigno Aquino Jr., kung nasaan ka man,
buong puso amin kayong hinahangaan,
sa lahat ng nagawa dito sa ating bayan,
habang kami'y nabubuhay, amin kang pararangalan.
No comments:
Post a Comment