bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 20, 2011

MASAKIT ANG LIMUTIN KA

MASAKIT ANG LIMUTIN KA
ni:ara castillo

tutoo ngang kita'y minahal na sadya..
ito nga sa iba'y di ipinagkaila..
ngunit ang limutin ka ay di ko magawa..
kahit na nga ako ay patuloy pang lumuha.

bakit hindi dapat at di maaari?
sa puso mo nga ba'y mayroon ng nagmamay-ari..
bakit di sinabing ako ay may kahati...
nang itong puso ko ngayo'y puno ng pighati.

Kahit sabihin pang hanggang sa pangarap...
pag-ibig ko sayo'y handang ipalasap...
saksi yaring langit pati mga ulap...
tanging ikaw lamang laging tinatawag.

Napakasakit ng salitang tinuran,
sa akin ba talaga'y wala ng pagmamahal?
ano ang nagawa pag-ibig ko ba ay kulang?
sabihin mo lang at akin pang pupunan.

hindi ko magawang sa iba tumingin...
tanging ikaw lamang sa puso ko at damdamin...
ganon lang ba kadali ang ako ay limutin...
anong sakit naman ..isinukli mo sa akin!!!

Limutin ang sinisinta'y di ganun kadali...
sakit sa dibdib ko'y mahirap mapawi...
sa haba ng panahong kita'y minithi...
sa hiwalayan lang ba tayo mauuwi?

sept.20..2011
poknat/ara


SAGOT KO KAY KUYA DONDIE..SA TULA NYANG "MINAHAL DIN KITA"

No comments:

Post a Comment