bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

SALITA

Salita 13th entry ni Ara Castillo
By Lover's Lane
Ang tula ay hindi isang simpleng salita lamang;
ito ay may sukat at tamang taludturan;
Ito ay angkop din sa puso ninuman;
At ang pinakamahalaga ay ang nilalaman.

Salitang hahabiin dapat may kaugnayan;
Lalo na't higit sa patutungkulan;
Salitang iaakma sa isang nilalang;
At salitang itutugma sa tunay nyang buhay.

Kaya't sa paanyaya ako ay nahirapan;
Salitang isusulat ay di ko malaman;
Paano nga ba ikaw mailalarawan;
Sa salitang para sa'yo baka wala ng paglagyan.

Ikaw'y nakilala dito sa pahina lamang;
Salitang ibabato sa'yong katauhan;
Tanging alam ko lang ay iyong pangalan;
Binibining FLORENCE CALICA..sa SWITZERLAND naninirahan.

Salitang sasabihin aking iniingatan;
Baka damdamin mo ay akin pang masaktan;
Mas mabuti pang manahimik na lamang;
Kapag walang binigkas..walang kamalian.

Paano ngang ika'y mapapasaya sa aking katha;
Kung salitang sasabihin ay kulang sa diwa;
Sa iyong KAARAWAN;kung si SIMPATIKO ay wala;
Ay parang isang pangungusap na kulang sa salita.

Ang buhay mo Bb FLORENCE..ay parang salita;
Punung-puno ng kahulugan,at puno ng diwa;
Dahil sa kabutihang iyong ginagawa;
Ika'y namamahagi ng nalasap na biyaya.

Kaya't sa'yong kaarawan wala akong maihahanda;
Kundi mga salita dito sa aking mga katha;
Salitang hinabi ng dila kong di hasa;
Taos pusong pagbati ko mababasa sa ibaba......
.
.
.
.
.
.
MALIGAYANG KAARAWAN Bb.FLORENCE CALICA;
Mula sa iyong kaibigan sa NUEVA ECIJA nagmula;
Natutong kumatha dahil sa iyong ginawa;
Dito sa pahina ng LOVER'S LANE umulan ng biyaya.

No comments:

Post a Comment