bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

BAKIT KA NAGPAALAM?

paalam....yan ang salitang pinakamahirap bitiwan;
lalo't higit sa taong iyong minamahal;
dahil sa bawat pagbanggit mo sa mga katagang yan;
di mo alam kung gaanong sakit maiiwan.

ngunit salita'y di maiiwasan;
sadyang lahat tayo dadating dyan;
lalo't dun pupunta sa may lumalang;
tanggapin ng maluwag masakit man sa kalooban.

paalam yan ang sabi ni nanay/tatay;
dun ako pupunta sa malayong silangan;
upang pag-aaral nyo ay matugunan;
magsasakripisyo para sa inyong kapakanan.

ito ang paalam na sobra akong nasaktan;
nang itoy sambitin ng lalaking minamahal;
iyon ang karanasang di malilimutan;
tinatanong sa sarili"mahal bakit ka nagpaalam?"

No comments:

Post a Comment