bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

I MISS YOU

matagal na panahon ikaw ay wala;
ngunit bat di mawala dito sa gunita;
araw gabi pa din akong lumuluha;
bat ba ang puso hindi makalaya?

kahit anong gawing puso ay turuan;
na ikaw ay wala na,wag ng asahan;
puso ko lamang pinapahirapan;
heto pa rin patuloy nasasaktan.

sa buhay ko ngayon lang nagkaganito;
ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko;
sana nga nandito ka at nalalaman mo;
mga pagdurusa ko ng dahil sa'yo.

sadya ngang puso ko'y di maturuan;
na sa iba ito'y pagbuksan;
pero sadyang ikaw lang ang kailangan;
nitong puso kong bulag sa katotohanan.

9 comments:

  1. ito ang unang tula ni ate ara na nabasa ko sa MGA TULA NI ALING DORAY, dito ko unang hinangaan ang galing sa pagkatha ni ate ara. mula noon, sinubaybayan ko na lahat ng mga tula niya. sana sa mga susunod na tula niya ay mabago naman ang tema ng mga ito, hindi na puro pasakit at pagluha ang nilalaman ng mga ito kundi kasiyahan at tawanan na. siya nawa. more power po

    ReplyDelete
  2. nasulat ko ito 3months mula ng nawala sya....nagbago at di nagparamdam.lahat ng tulaing nasulat ko may kauhnayan sa kanya.bawat pangyayari...sana nga makasulat na rin ako ng isang kwentong masaya.salamat ng marami sayo ading ko..sa kabila ng puro kalungkutan at dalamhating nilalaman ng mga ito'y nariyan ka pa rin sumusuporta.ingat ka palagi...

    ReplyDelete
  3. napagdaanan ko na rin po kasi ang inyong pinagdadaanan - ang masaktan sa ngalan ng pag-ibig kaya po nauunawaan ko ang inyong nararamdaman. magkaiba lang po tayo sapagkat sa halip na puro pasakit at paninimdim ang mga sinusulat ko ay ginawa kong masasaya ang tema batay sa mga ala-ala ng masasayang kahapon, na di man nagkaroon ng masayang kaganapan at kawakasan, ang mga masasayang ala-ala na lamang ang natitira sa akin ay akin na lamang itong pinagyayaman

    ReplyDelete
  4. kasi hindi ko pa naman maituturing na isang nakaraan yung pinatutungkulan ko...kasi nariyan pa rin sya.dangan nga lang di pa kiami nagsasama.at napakahirap umibig sa isang taong di mo pa nakilala..natitigan sa mga mata.dahil milya-milya ang aming distansya.di ko pa matuldukan ang aking kwento dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya..heto pa rin ako umaasa.

    ReplyDelete
  5. alam ko po yan, ate. di naman po masama ang umasa dahil marami pang pwedeng mangyari, subalit kung sobrang nasasaktan ka na ay hindi naman masama ang sabihing tama na muna. subukan mo pong turuan ang mahal mo na pahalagahan ka rin nya.baka nasanay syang andyan ka lang, handang magtiis, mag-antay at patuloy pa ring magmamahal sa kanya. kadalasan, mararamdaman lang natin ang kahalagahan ng isang bagay/tao kung ito'y tuluyan ng nawala sa atin. ituro mo po sa kanya ang tamang landas pabalik sa iyo, kung kinakailangang tikisin mo na muna sya pansamantala baka sakaling matutunan nyang hanapin ka, bakit hindi mo po ito subukang gawin, ate kong laging naninimdim. ipagpaumanhin mo po, ang sa akin ay mungkahi lang, nasa inyo po kung ito'y inyong papakinggan. basta ang masasabi ko lang, sasamahan kita sa iyong pakikipaglaban at karamay mo ako sa lahat ng iyong kalungkutan

    ReplyDelete
  6. salamat ading..alam ko naman na lagi kang nandyan..

    ReplyDelete
  7. hi,im also a poet like u.nabasa ko lahat ng tula mo and i think we have d same story.,poknat din ang gamit kong pen name. i hope we can share a lot of things about our works of poem.

    ReplyDelete
  8. Sino ang Hinihintay ni Poknat?

    Ano kyang meron sa mga tula ni poknat?
    Sa kanyang mga gawa na kanyang sinusulat
    Tinipon sa titik sa puso’y nagbubuhat
    Habang nakatayo doon sa tabing dagat.

    Ano nga bang meron sa kanyang mga tula?
    Sa bawat saknong, sa bawat salita
    Tila nababalot ng kung anong hiwaga
    Kaya niyang hipuin puso ng madla.

    Ngunit sino nga ba ang nasa likod ng lahat?
    Tulang pinapanday ay puno ng pangungulila’t pangarap
    Sino itong nagsisilbi niyang matibay na kalasag
    Pinaghuhugutan ng inspirasyon,gabay nya’t liwanag.

    San kaya niya hahanapin kanyang hinihintay
    Hindi kaya siya mapagod sa kanyang pag-aantabay
    Baka naman yaong mahal puso’y sa iba na inaalay
    Lahat ng pagtitiis nya’y mawalan ng saysay.

    Sa kanyang mga tula kami’y napapaisip
    Sinong mahal ang lage niyang bukambibig
    Hindi matatawaran taglay niyang dakilang pag-ibig
    Sa kanyang pinakamamahal,inukit na sa dibdib.

    ReplyDelete
  9. i hope you will like this poem.That is one of my greatest masterpieces..,i hope makapag move on ka na din mahirap mabuhay sa nakaraan sobrang sakit.you deserve to be happy:-)
    Please visit my facebook account.

    ReplyDelete