bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 13, 2011

TANGING IKAW

Dulot mo'y walang hanggang ligaya;
mula pa nung tayo'y unang magkita;
di man bigkasin nababasa sa mata;
sinasabi ng puso mo"giliw ko mahal kita".

sana nga mahal puso ko'y ingatan;
ipangako mo sanang puso ko'y di sasaktan;
baka kung magkagayo'y di ko makayanan;
ang maging kasagutan ay si kamatayan.

sinabi mo sa akin ako lang ang iyong mahal;
na kung susukatin wala ng paglagyan;
kahit na nga dagat pa ang ating pagitan;
lahat ng pagsubok atin itong lalabanan.

tanging ikaw lang aking inaasam-asam;
tanging ikaw lamang sa buhay ko ang kailangan;
wala ng iibigin hanggang sa kailanman;
TANGING IKAW lamang hanggang kamatayan.

No comments:

Post a Comment