minsan naitatanong bat ganito;
puro kabiguan nararanasan sa buhay ko;
tapat naman kung magmahal ang puso ko;
sadya bang kakambal kabiguan ng isilang ako?
nakipagsapalaran sa gitnang silangan;
doon naranasan hirap na di inasam;
pakikisama sa ibang lahi ang kailangan;
upang tumagal sa takbo ng kapaligiran.
akala ko noon sobrang tapang ko;
problemang pampamilya'y nakayanan ko;
hanggang sa dumating ka laking pasalamat ko;
at nasabi sa sarili..swerte pa din pala ako.
lahat ng sabihin mo sinusunod ko;
kahit na nga ako'y halos ikulong mo;
lahat sa sarili ko iyong binago;
ok lang lahat ng yan,basta para sayo.
pero ang kapalaran mapaglaro sa akin;
sa umpisa lang pala ako'y pasasayahin;
ngayon narito puso'y naninimdim;
ito ba lahat ay pagsubok..ayaw ko ng isipin!
No comments:
Post a Comment