Halos apat na dekada na ang nakararaan;
Kung di ako nagkakamali,humigit o kumulang man;
...Doon sa malayong bayan ng Bauang;
kasaysayan ng sanggol na ito aking sisimulan.
Setyembre a-bente,sa isang baryo sa bayan may kalayuan;
kung saan ang bahay layo-layo at wala pang ilaw;
Buong bahay nabulabog sa kadahilanang;
si Inang nagpapagibik;sumasakit na ang tiyan.
Kung bakit ang gabi'y sobrang tahimik;
wala kang maririnig kundi huni ng kuliglig;
Kasabay ng pag-iyak dahil sa sobrang sakit;
mga ibon sa labas nama'y nangagsisiawit.
Si Tatang sa pagkagulat naalimpungatan;
dali-daling nagbangon upang knyang tawagan;
si Aling Pelang na manghihilot ng bayan;
Sa pagmamadali si Tatang muntik ng mahulog sa hagdanan.
Kaagad na kinuha itong si Kalakian;
doon sa kareta kanyang isiningkaw;
upang si Aling Pelang masundo ng madalian;
di inintindi kahit baku-bako ang daan.
Si Inang di na alam kung saan susuling;
nanduong tatayo;o kakapit sa dingding;
salamat si tatang agad namang nakarating;
Ang kumadrona pa pala kung di ako nagkamali,isang duling!
Kasabay ng isang hiyaw na malakas;
biglang pagbuhos naman ng ulan sa labas;
tila baga ito'y mula sa kalangita'y basbas;
sa pagdating ng isang magandang rosas.
"Ay balasang gayam!hiyaw ni aling Pelang;
ana ti kayat yo nga nagan?
Si Tatang pasok agad mula sa batalan;
FLORENCE ti kayat ko manang!
Kasabay ng pagtila ng ulan;
pagsikat ng araw dun sa Silangan;
iyak ng isang sanggol pumailanlang;
Na sa ating mundo ngayon isinilang.
MgA magulang niya'y labis na nagpapasalamat;
Sa kabila ng kanilang buhay na salat;
Nairaos matiwasay at maluwat;
ang isang sanggol sa kahirapa'y mag-aangat.
No comments:
Post a Comment