bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

 
hindi lahat ng nagmamahalan magkasama;
at hindi lahat ng naghihiwalay di nila mahal ang isa't-isa..
may mga bagay lang siguro na hindi pwede kahit gustuhin mo pa..
o sa pag-ibig hindi rin laging happy ending gaya ng sa pelikula..
na pwede mo itong i-edit kapag may mali o ayaw ka...
sa buhay may mga bagay na nangyayari para matuto ka..
ngayon harapin mo ang buhay na malaya at nag-iisa..
mahalin mo ang sarili bago ang iba...
lahat ng sobra may masamang resulta....
hindi ka isinilang na laging may kasama.....
ikaw ang talunan kapag sumuko ka...
harapin mo ang mundo at ipakita mo na MATAPANG KA!!!

No comments:

Post a Comment