bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

PEKE

tandang-tanda ko nung makilala kita;
nagpa add sa fb..maging frend ko pede ba?
yan ang tanong mo..xempre inaccept kita;
sabi ko sa sarili,,,ang isang ito parang iba.

lito ang isip nu'n lahat sau naihinga;
dahil sa kasawian sa una kong pagsinta;
sabi mo kalimutan sya,isang lalaking walang kwenta;
kaya't sayo nasabi bigat sa dibdib na dala-dala.

ngunit nagtagal ikaw din ay nag-iba;
katulad ka din ng karamihan sa una lang pala;
akala mo siguro ako ay makukuha;
sa mga pangako mo;isa ka din palang walang kwenta.

akala ko naman ako ay nakatagpo na;
isang kaibigang tunay;o kaya naman ay kuya;
kaya dito sa internet kailangan mag-ingat ka;
mga nakakausap mo,lahat sila kakaiba.

kaya sasabihin ng iba ako ay suplada;
hindi naman po kaya lang ako'y dala na;
tulad ng iba akala mo propeta;
nagbabait-baitan...may sungay din pala.

No comments:

Post a Comment