bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

KAILAN LILIGAYA

Sa pag-ibig nga ba'y lagi na lang sawi......
puro ba pagluha at labis na pighati....
kailan makakamtan ligayang minimitihi....
liligaya pa kaya kung puso'y bubuksang muli?

kailan makakamit tunay na ligaya?
pag umibig itong puso'y todo at sobra-sobra....
ngunit sa kabila nito'y puro pa rin pagdurusa....
sa pag-ibig nga kaya hindi ako liligaya?

tinanggap kong lahat maging ano at sino ka...
dahil nga itong puso'y ikaw ang sinisinta....
tiniis mga pasakit kahit pa nga malayo ka....
sinabi sa sariling ikaw lamang walang iba!!!

pusong umiibig kahit pa nasasaktan....
titiisin ang lahat o sadyang nagtatanga-tangahan.....
ayaw lang bang gumising tanggapin katutohanan?
na ang iyong mahal..wala na ika'y iniwan.....

iwan mo man ako heto pa rin naghihintay.....
maging mundo ko man tumigil...mawalan ng kulay....
tanging ikaw lamang hinahangad sa aking buhay....
kung hindi ikaw giliw daig ko pa ang namatay.

ikaw lamang hinihintay ng puso kong aba....
kahit anong gawin di ko kayang kalimutan ka.....
puso ko'y bulag...sadyang ikaw lamng sinta...
walang hinangad ang puso ko,kundi ikaw ay makasama.

sabihin man nilang ako'y sadyang hibang....
pag-ibig ko daw sayo'y walang patutunguhan...
hindi ka raw bagay at dapat pag-alayan....
sakit at dusa lang ang sayo'y makakamtan.

pilitin man ang pusong ikaw'y kalimutan....
hindi ko magawa kahit pa nahihirapan.....
dito sa puso ko nakaukit iyong ngalan....
paanong gagawin..ikaw ang kaligayahan?

puso ko nga ba'y walang kapaguran?
sa pag-asang isang araw ika'y aking mahahagkan?
o sadyang bulag nga ba dahil ika'y pangarap lang.....
kailan liligaya ....yan ang laging katanungan?

No comments:

Post a Comment