bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

MAGINOO PERO MEDYO BASTOS

Ako'y napahiyaw ng malakas sa may daan....
nang isang sasakyan dumaan walang pakundangan...
lahat ng dala-dalahan aking nabitiwan...
paano ba naman putik sa mukha lahat nagtalsikan.

Aba't ang damuho hindi man lang ako hinintuan...
paano ba yan..ako'y papunta sa simbahan....
aking dala sa simbahan pa naman kailangan...
aking inihahabol gagamitin sa kumpisalan.

Dali-dali'y aking mukha'y aking pinunasan....
di na umuwi para magpalit ng bihisan...
bahagyang pinagpag..damit ko'y puti pa naman...
bahay pa naman namin...nedyo may kalayuan.

Walang lingon likod lumakad na dali-dali.....
hanggang matanaw ang kotseng kulay puti....
parang ito yata yun ..hindi ako pwedeng magkamali...
sino kaya ang sakay nito...sino ang nag-mamay-ari?

Paglakad ko'y mas lalo ko pang binilisan...
upang ang lalaki'y akin pang maabutan..
ang nais kong malaman sino ang may sakay....
nais kong ipamukha..ginawa ng lapastangan!

sa pagmamadali heels ng sandals ko ay bumigay.....
naputol ang takong..ngayon pa nakisabay...
nang ako'y tatayo..aray ko!di maigalaw...
binti ko ano nangyari..ako yata ay napilay.

sa sobrang sakit hindi ko namalayan...
ang biglang paglapit ng tao sa may likuran...
nang may isang boses...naku sobrang lamig naman...
Miss anong nangyari...sandali at ika'y aking tutulungan?

Miss kapit ka lang....ang sa akin kanyang tinuran...
ako'y natulala ng binti ko'y kanyang hawakan...
habang sinasabi...mukhang ugat miss...naipitan..
tulala ang lola nyo..habang mukha ng binata'y tinititigan.

Nang aking maalala lalaking aking sisitahin...
tinangka kong tumayo...ngunit di ko kinaya rin...
sa bisig ng lalaki ako'y napahilig din...
susme ano ba tong nasandalan..parang malambot na unan.

kabog ng dibdib ko'y hindi ko maintindihan...
pakiramdam na tulad nito ngayon lang naramdaman...
lamig ng pakiramdam kahit kainitan...
ngunit bat ganito...walang masabing anuman.

Ako'y walang nagawa sa sumunod nyang hakbangin...
bigla akong nagulat ng ako'y kanyang pangkuin....
ano ba ang gagawin nito,saan ako dadalhin?
ngunit kahit ganun..sa saya ibig kong himatayin.

ipinikit mga mata dinama kanyang pagbuhat...
kahit hindi tuwiran ako'y parang kanyang yakap....
bakit ba ganito tila ako'y nangangarap...
sa estrangherong diko alam...na dito nga ay napadpad.

hindi ko alam kung ano ang masasabi...
nang aking napag-alaman sya ang bastos na lalaki...
na kani-kanina lang ako'y nanggagalaiti....
bakit ngayon ako'y tulala...nagmistula ngang pipi.

Sa isang ospital ako'y kanyang iniwanan...
kanyang pinatingnan binti kong naipitan..
ngunit ang lalaki di ko na alam kung nasaan...
naiwan sa puso..bakit may panghihinayang.

Lumipas ang mga araw binti ko ay uminam..
ala-ala ng lalaki aking binabalikan...
bakit ba hindi ko sya magawang kalimutan..
e wala naman yatang modo ako'y bigla ngang iniwan.

halos araw-araw gumagawi sa simbahan...
baka sakaling doon sya ay aking maabutan..
nang bigla ngang tumunog celpon kong di kamahalan..
Ako'y iyong pagpasensyahan..iyon ang aking natunghayan.

di ko na tinanong kung panong number ko'y kanyang nalaman....
sinagot ko kanyang text at aking napag-alaman...
ito palang lalaki ay isang sakristan....
kaya sya dito napadpad sya ay nautusan.

di maintindihan labis na kasiyahan...
lalo na't sa text nya sa akin ay kanyang tinuran...
mula ng makita ka..hindi ka makalimutan...
para akong nakarinig...mga anghel na nag-aawitan.

doon nga nagsimula aming pagmamahalan....
na buong akala ko'y hanggang pangarap ko na lamang...
pagkikitang sa una'y medyo may kaguluhan...
ng estranghero sa buhay ko't minahal ng lubusan

No comments:

Post a Comment