bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

TANGING IKAW

19th entry ko po.....

TANGING IKAW
ni:ms.ara castillo

Sa puso ko iakw lamang ang mamahalin;
At magpakailanman tanging ikaw ang iibigin;
Yan ang sambit ng puso kong naninimdin;
Kahit dagat ang pagitan;ibubulong ko sa hangin.

Titiisin ang lahat ayon sa 'yong kagustuhan;
kahit puso pa'y labis mong pinahihirapan;
Mga ala-ala mo sa twina'y binabalikan;
Ating paglalambingan sa pahina mong tinatambayan.

Sabihin mang tayo ngayo'y may tampuhan;
Laging ikaw pa rin laman nitong isipan;
sa bawat pagtulog ko napapanaginipan;
sa bawat sulok ng gunita ko larawan mo ang nariyan.

pinakamahirap dayain puso at damdamin;
lalo't nararamdaman tunay ang hangarin;
laging dinadasal tangi kong layunin;
tanging ikaw lamang aking mamahalin.

Tanging ikaw lamang laging sinisigaw;
Sinisigaw ng puso kong sa pagmamahal mo'y uhaw;
Uhaw sa pag-ibig mong sa puso ko ay pumukaw;
Tanging iakw lamang...sa buhay ko'y nag-iisang ikaw!

Tanging ikaw hanap ng pusong umiibig;
Pag di ka natanaw puso ay naliligalig;
Sana'y makasama ka yang ang aking ibig;
Ikulong sa mga labi mo at matipuno mong bisig.

Sa iyo SIMPATIKO kung ano man ang tampuhan;
mga paghihirap ko'y di ko na makayanan;
Akoy lumuluhod nagsusumamo sa 'yong harapan;
Mga hinanakit sa puso natin ay kalimutan.

Tanging nais ko malubos ang kasiyahan;
Ika'y makasama sa nalalapit kong kaarawan;
Sana sa paanyaya ko ako'y iyong pagbigyan;
Tatanggapin sa kalooban ko kung iyong pasubalian.

Tanging ikaw lamang aking minimithi;
Kung di rin lang ikaw di na iibig pang muli;
Dahil sa 'yo lamang ang puso ko'y nakatali;
Ikaw lamang SIMPATIKO...sa puso ko ang magwawagi!!!

No comments:

Post a Comment