bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

SAYAW

SAYAW 14th entry of Ms. Ara Castillo

by Lover's Lane on Tuesday, August 9, 2011 at 6:46am

Hindi mapakali sa pagtulog ko kagabi;
Ng aking marinig tugtugang nakakabingi;
Ako'y biglang nagbangon at ilaw isinindi;
Aking aalamin kung ano ang nangyayari?
Kunot ang noo ako'y bumabang dali-dali;
Balak ko'y awayin nagsa-sounds ng masidhi;
Sa tugtog na narinig tenga ko'y nakukulili;
Nang malaman ko kung ano,inis napalitan ng ngiti.
Tumambad sa akin maraming palamuti;
Mga ilaw sa bakuran sadyang sari-sari;
Pagkaing nakalatag hindi ko mawari;
Ito'y gabi pala ng isang Binibini......
Kaarawan pala nitong kaibigan kong maganda;
Nakaligtaan ko sa dami ng problema;
At heto pa ngayon humahataw pa;
Hanep sa galing sumayaw ng cha-cha.
Suot ni Bb.FLORENCE damit na kulay lila;
Habang sumasayaw sila ng kapareha;
Mata nila'y nakatitig pa sa isa't-isa;
Habang isinasayaw nila ngayon ay rumba.
Tugtog nga biglang huminto;
Saka biglang kumumpas itong si Admin Coco;
pinalitan ng Tanggo,sabay biglang liko;
Sa bisig ni SIMPATIKO duon agad ang tungo.
Sa saliw ng tugtog ako ang humihingal;
Ngunit si Bb.FLORENCE walang kaangal-angal;
Sa kanyang mukha parang di napapagal;
Dahil nga si SIMPATIKO ang kanyang kasayaw.
Bakas sa mukha nya labis na kasiyahan;
nang itong musika napalitan na naman;
sa pakiwari ko ba ayw na niyang tigilan;
Nang si G.SIMPATIKO sa beywang nya tumaban.
Inis ko kaninay napalitan ng kilig;
lalot ang tugtog pa musikang aking ibig;
kaysarap pagmasdan dalawang umiibig;
nang biglang si Admin Coco hinalikan sa bibig.
Dahil nga sa isang sayaw;
mga panauhin di magkamayaw;
halos lahat ng naroon ay sumisigaw;
sinasambit pagbati sa may kaarawan.
Lahat nagpalakpakan sa aming nasaksihan;
Emosyong naramdaman para sa isang kaibigan;
Ligayang inaasam kanya ng nakamtan;
Binibining FLORENCE CALICA,MALIGAYANG KAARAWAN!!!!

No comments:

Post a Comment