bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

ATING BATIIN SYA

ATING BATIIN S'YA!
ni:ms.ara castillo


Gising na!Gising na!Mga kasama;
Salubungin ang araw ng umagang kayganda;
Isang umagang sa buhay niya;y kakaiba;
Tayo'y magsama-sama at ating batiin sya!!!

Araw ng pagsilang nitong Binibining maganda;
Sa mundong magulo at puno ng problema;
Nagsikap sa buhay,upang pangarap matupad;
Kasaganaang tinatamasa,sa Switzerland sya napadpad.

Kaarawan ng tao'y di isineselebra sa edad;
Kundi sa mga nagdaang pagsubok ng realidad;
Kaarawa'y ginaganap bilang pagpapasalamat;
Sa buhay na pahiram ng PANGINOON nating lahat.

Diwa ng kaarawa'y di makikita sa pabalat,
Sa dami ng handa at regalong nakakalat,
Sa magagarang damit at inuming sikat;
Kung dyan naman sa puso mo...pagmamahal ay salat.

Karawa'y kaysaya kung pamilya'y sama-sama;
Kapatid,anak pati si lolo at lola;
Si tatay,si nanay,gayundin si ate at si kuya;
Masayang pagsasaluhan pagkaing nasa mesa.

Ngayon nga ay kaarawan nitong ating kaibigan;
Binibining Florence Calica na isinilang sa Bauang;
Admin ng Lover's Lane,pahinang kinagigiliwan;
Anong ihahandog sa kanyang kaarawan?

Nais mang sa kasayahan ako ay makadalo;
Upang matikim isang masaganang salu-salo;
Paano ngang gagawin isip ko'y nalilito;
Sa pangarap nalang doon magkita tayo.

Ngunit lahat ng bagay ay mayroon ngang paraan;
Lalot nasa puso at bukal sa kalooban;
Ito lamang ang tangi..at tangi kong nalalaman;
Sa pahinang LOVER'S LANE..dito ko ipagsisigawan.

Ano pa ngang hinihintay aking mga katulaan;
Pagbating inihanda sa ating kaibigan;
Tayo ng magtungo sa pahinang tambayan;
Ating batiin s'ya.....MALIGAYANG KAARAWAN!!!!

No comments:

Post a Comment