bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

I LOVE YOU NA LANG SA TAGO

Tulaing pakiusap ni Arvin Gapasin
handog kay Bb.Maharlika

I LOVE YOU NA LANG SA TAGO!!
ni:ara castillo/poknat

Taglay mong kagandahan ang sa akin nga'y bumihag...
Mga ngiting taglay mo'y lagi kong hinahanap...
Walang kasingtamis...pisnging kulay rosas...
kailan mahahagkan..kailan mayayakap?

Kagandahang taglay mong sa isip nakapagkit....
hindi ko malimutan ..laman ng bawat panaginip....
Ngunit hanggang dun na lang aking makakamit....
Dahil sa 'yong pag-ibig mayron na ngang nakasungkit.

Kimkim na pagtingin kaytagal ng itinatago....
Kapag nakikita ka'y dibdib ko'y sumisikdo...
Sa galing mong kumatha lalo akong narahuyo...
taglay na paghanga sayo...nauwi sa pagsuyo.

Gayunmang ikaw nga ay mayroon ng minamahal....
Ngunit sa puso ko'y ikaw pa rin nakatanghal....
Baliw nga ba ako sa iyong pagmamahal....
O isang katangahang walang katuparan?

Tunay ngang pag-ibig bulag kung ituring....
Kahit pa ako'y masaktan lahat titiisin...
Dumating man ang araw ika'y kanyang paluhain...
Di magdadalawang salita kung ngalan ko ay tawagin.

Wala ngang pasubali ligaya mo'y tanging hangad..
Ika'y sinasaba at wala kang katulad....
Ako'y alipin mo di ko man maipahayag....
Puaso'y sa iyo lamang...magsisilbi mong bihag.

Kahit sabihin pang ako sa'yo;y bigo....
Pilit ka ngang susundan kahit saaan ka magtungo...
Malamang ok ka...kasiyahan na nitong puso...
Di mo man ito malaman..I love you na lang sa tago!

Sept.21,2011

No comments:

Post a Comment