bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Tuesday, September 20, 2011

wakas at simula

Setyembre 21,2011......2 years na ang nakaraan,,hinding hindi ko makakalimutan nung mga araw na maging tayo.Ang saya-saya mo....parang sa pakiwari ko wala ng katapusan yung sandali na yun.At inakala ko din na IKAW na yung taong sagot sa mga paghihirap ng kalooban ko.sabi ko nung araw na yun habang nakahiga...at iniisip din kita,MAHAL PA RIN AKO NG DIOS..kasi ibinigay ka nya sakin.,,napagsasabihan ng problema ko,magpapatahan pag umiiyak ako,nagpapasaya sakin pag napapagod at naiinis ako,pumapansin at bumabawal sa mga mali ko.Ang saya-saya ko mula ng maging tayo...binuo mga pangarap na ikaw na hanggang sa pagtanda ko,yung umasa na buong buhay ko ikaw na.Sinanay mo ako nang mga bagay na dati hindi ko naranasan...ikaw nagparamdam kung pano pahalagahan...pano maging isang babae.Kasi sa mga nakaraan..tumayo akong nanay at tatay ng mga anak ko...pero ng dumating ka..ipinaramdam mo kung paano maging isang babae,,yung minamahal at inaalagaan.Pero bigla kang nagbago...kahit ako nalilito.Hindi ko alam ang dahilan mo...pero alam mo sa iyo lang ako nagkaganito...iba eh..kahit sa sarili ko di ko maipaliwanag.Ang sakit ...wakas na ba ng istorya natin.I knew it in myself...you are my True Love!Kahit ang sakit sakit bat ganito katagal mawala ka sa isip ko..at yung tagal na nawala ka...pero nandito ka pa rin.hirap na ako...as in hirap na hirap na.Wala na ako natira sa sarili ko...lahat ..respeto..ibinaba ko.Pride ,,inalis ko na rin dahil sa'yo.
pero alam mo...hindi ibig sabihin ng pagsuko ko hindi na kita mahal...you're always here...dun....sa kalalalimlaliman ng puso ko.na walang makakahukay kahit sino.Pero I need to give little love to myself...kahit kapiraso na lang natira.Kailangan kong wakasan na ito..wag ng umasa wag ng magpakatanga.Kasi pabalik-balik ka na lang para saktan ako...pero hindi ko naman alam kung ano talaga ako.Ok na..it's September again...this will be our start..and this could be our last.Thank you for loving me...thank you for always be there....Sorry for all the problems and sorrows in your life that I gave,,,if nagulo ko din buhay mo...kung nadagdag ako sa mga problema mo....Goodbye...wish all you're happiness and always take care.Always remember that you're always in my prayer...I love you ...........forever!♥poknat♥

No comments:

Post a Comment