bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

HILING

HILING
ni:ms.ara castillo

Miss Florence ang tawag sa'yo ng ilan;
Ate Coco sa iyong mga kaibigan;
...Admin ng LOVER"S LANE na aming pinupuntahan.
Bukod pa dyan wala na akong nalalaman.

Kaya ako'y sadyang nahirapan;
Kung paano ang tulain sisimulan;
Sana ako'y isa na sayong mga kaibigan;
ito'y isang gantimpalang di matutumbasan.

Ako'y di naman po makatang sadya;
mga nararamdaman idinadaan lang sa pagtula;
ng minsa'y anyayahan ng magandang makata;
sa pahina ni aling doray dun nagsimula.

Di man tugma paghabi ng salita;
pipilitin upang maging akma;
sa panlasa mo Binibining CALICA;
Upang makapaghatid kahit gamunggong tuwa.

Paghabi man ay mali-mali;
Sa iyong kaarawan ako'y bumabati;
Humahanga sa bawat mong mithi;
Kasaganaan sa mahihirap ibinabahagi.

Kung ako lang sana'y makakarating;
o di kaya'y himpapawid aking liparin;
upang sa kasayahang gaganapin;
masasarap na pagkain ako'y makatikim.

Sa panaginip man lang ito'y makamit;
at makapagsuot ng magandang damit;
habang sa saliw ng musika'y nakikigitgit;
wag lamang sanang paa ko ay maipit.

kaya sana Miss Florence ako'y hintayin;
malayo ka man aking pipilitin;
Taos pusong pagbati at hiling;
iyong asahan sa hangin ito'y ibibilin.

sayong paligsahan di man palarin;
mga katha ko di man iyong piliin;
ang nais ko lamang at tanging hiling;
maging isang kaibigan mo OK na sa akin.

No comments:

Post a Comment