bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

SA CHAT NAKILALA

Sabihin na nating ito'y kaimposiblehan;
umibig sa isang di pa nakilala ng lubusan;
sa isang taong di mo alam kung saan pinagmulan;
ngunit ang ibigin sya ito ang katutuhanan.

Nagsimula ang lahat ng minsa'y sa chatrum napunta;
doon ika'y nakita at sa akin ay papansin pa;
ako'y naiinis sa baduy mong entrada;
at ang isang ayoko...sa akin nga'y medyo bata ka.

di ko pinansin iyong mga paliapd hangin;
bawat banat ng salita mo sa akin ay may pasaring;
nagdaan ang mga araw sa'yo na nga nahumaling;
kapag puso ang nangusap..di na kayang pigilin.

kaysaya ng araw tuwing ika'y nakakausap;
parang ika'y nariyan lang kahit pagitan ay dagat;
sa bawat pag-uusap bumuo ng mga pangarap;
kahit pagos sa trabaho...pakiramdam ko'y nasa alapaap.

kapag nasa trabaho ibig hatakin ang oras;
hindi makapaghintay kaya PC ko'y laging bukas;
kapag nawalan ng signal..tila nawala ang lakas;
makita at makausap ka...di kayang maghintay ng bukas.

kapag offline ka ako'y hindi makatiis;
kukuhanin ang cellphone babatiin ka sa text;
kumusta na ang mahal ko..wag ka na po mainis:(
online ka na mahal...sobra kasi kitang na-miss.

kahit sa chat lang tayo nagkakailala;
kahit sa webcam lang tayo nagkikita;
tunay na pag-ibig akin sayong nadarama;
pag-ibig kong ito'y ingatan mo naman sana.

dito sa chat nga tayo nag-umpisa;
batid ng puso ko ikaw ang nais makasama;
puso kong ito sayo na itinalaga;
hihintayin ang araw ng ating pagkikita.

nadarama ng puso'y wag mo sanang pagdudahan;
pagkat di dudungisan tiwala mong inilaan;
kahit sa chat lang pawang katutuhanan;
tanging ikaw lamang..iyo sanang paniwalaan.

kahit sabihin pang tayo ay magkalayo;
parang malapit lang dahil nandito ka sa puso;
pakiusap ko mahal sa iba wag marahuyo;
kapag nangyari yon...mundo kong ito ay guguho.

pag-ibig na sa chat mahirap mang paniwalaan;
at mahirap magtiwala sa mga sabi-sabi lamang;
ngunit itong pag-ibig kong sa'yo lang inilaan;
kahit sa chat ka nakilala..pangako sayo'y paninindigan!

No comments:

Post a Comment