bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

ISANG PASASALAMAT

Ako'y simpleng babaeng sa Nueva Ecija nagbuhat;
Kabukiran ang paligid at sa hirap namulat;
Di ikinahihiyang sa lahat ng bagay ay salat;
Buhay na bigay sa akin lubos na ang pasasalamat.

Pagsubok sa buhay ko pilit kong nilalabanan;
Tanging sarili lamang ang magiging sandigan;
dito sa mundong puno ng kahirapan;
Kimkim sa dibdib hirap ng kalooban.

Sa internet nilibang aking kalungkutan;
Nakatagpo dito mga tunay na kaibigan;
Sinabi sa sarili di pa rin ako pinabayaan;
Ng Panginoon sa itaas na lagi kong tinatawagan.

Mga kaibigan kinasangkapan upang maging daan;
Sa una nag-akalang puro lang kasinungalingan;
Dito sa networking akin ngang napatunayan;
May mga tao pang katulad nya likas ang kabutihan.

Ito'y nagsimula buhat ng aking matunghayan;
Paanyaya ng kaibigan sa patimpalak na sinalihan;
Ako'y nabighani sa layunin ng may kaarawan;
Nasabi sa sarili"sa problema ko ito na ang kasagutan".

Di man ako bihasa sa pagkatha ng tula;
Kahit anong hirap sa paghabi ng salita;
Araw gabi nagsulat..utak ko ay piniga;
Nakabuo ng tulaing halos may dalawampu na yata.

Ako'y nagpapasalamat sayo Bb.FLORENCE CALICA;
Sa halagang ipinagkaloob,nasa kamay kong biglang-bigla;
Sa pamamagitan ng kinatha kong mga tula;
kabaitang pinamalas mo,di matutumabasan ng papuri at salita.

Halagang mula sa'yo aking pinasasalamatan;
Labis ang naitulong sa taglay kong kahirapan;
Di maipaliwanag labis kong katuwaan;
Sa maliit na paraan ginawa itong puhunan.

Sa patimpalak na ginanap di man ako ang palarin;
Sa pihikang puso mo di ko nakayang hulihin;
Sa mga tulaing kinatha ko tangi na lamang mitihiin;
Nang baguhang tulad ko ikaw lang ay pangitiin.

Sa darating mong kaarawan isa lamang ang hiling;
Kaligayahang ninanasa sa'yo na sana ibaling;
Kung may kakayahan sanang sayong dako makarating;
Lubos ang kasiyahan kong makasama ka sa isang piging.

Tanging pagbati lamang sa puso ko nagbuhat;
Lahat na ng papuri nabigkas na nilang lahat;
Tanging masasambit Bb.FLORENCE ..SALAMAT!
Pasasalamat na mula sa akin...sa pamamagitan ng panulat.

Panulat na nabuhay ng di sinasadya;
Karunungang nakatago...sa pahina nailathala;
Salamat sa iyo Bb.FLORENCE CALICA;
Dahil sa iyo isinilang...isang makabagong makata.

No comments:

Post a Comment