bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Monday, September 12, 2011

PANGARAL NI AMA

Tandang-tanda ko pa nuong ako'y bata pa....
Ako ang panganay sa aming pamilya...
kami'y puro babae..walang lalaki kahit isa...
tanging si Ama..nagsilbing kuya ng pamilya.

Lumaki kami sa hirap sa kabukiran namulat...
masayang namumuhay kahit sa materyal na bagay ay salat....
Laging sinasambit magsipag-aral kayo anak...
lalo na ikaw Ih-anne..ng sa kahirapan tayo'y maiangat.

Taglay mo'y talinong di mananakaw ninuman...
kaya't sikapin mong makatapos ng pag-aaral...
sa pamamagitan ng martilyo ko..akin kang igagapang...
pangarap ko'y makita kang nakaangat sa pedestal.

Kapag ika'y nakatapos at kumikita na ng pera..
kami ng iyong inay iyong matutulungan na....
kaya kami'y nagsisikap upang makatapos ka....
isantabi ang pag-ibig..iyan ay makapaghihintay iha!

Binalewala pa rin kanyang mga sinasabi....
sadya ngang nasa huli palagi ang pagsisisi.....
nahulog ang loob sa isang maling lalaki...
pagsisikap ni ama..wala ring nangyari.

kaya't mga kabataan makinig sa pangaral...
wag mamasamain sinasabi ng magulang....
wala silang hinangad kundi iyong kabutihan....
sundin mga pangaral..para sa iyong kinabukasan.

Ama kung saan ka man ngayon naroroon....
Mga pangaral mo'y pinakiggan ko sana noon....
disinsana'y di ako naghihirap sa ngayon....
kung magagawa ko sana..ibalik muli ang kahapon.

kung pinakinggan ko lang sana mga pangaral ni ama....
ngayon napagtanto tama mga salita nya....
kung pwede lang sana at pwedeng ituwid pa....
aking susundin..di magdadalawang salita sya.

Ama..kung saan ka man ngayon naroroon....
sana'y narito ka...sakit ng loob isusumbong...
gaya ng dati...paglalambing ko sa'yo noon....
sinasabi ko ang lahat..habang sayo'y nakakalong.

MIss ko mga biruan ng ating buong pamilya....
masayang sama-sama skahit naghihirap pa.....
sayang nga lang at sandali ka lang namin nakasama.....
maaga kang kinuha..ng AMA ng balana.

No comments:

Post a Comment