bakit ba di mo paniwalaan;
lahat ng sakit akin ng naranasan;
kulang pa ba para patunayan?
tunay at di kasinungalingan;
na kahit tayo'y magkalayo man;
at dagat pa ang ating pagitan;
walang ipinalit na sinuman;
tanging ikaw lang,sana'y paniwalaan;
hanggang saan iyong susubukan;
itong puso kong tapat sayo lang iniaalay.
kung ito man ang yong kagustuhan;
lahat ng sakit pagtitiisan;
tanging ikaw lang di maturuan;
ang puso kong ika'y kalimutan.
kahit anong gawin tanging ikaw lamang;
maghihintay ako..mahal kang lubusan.
tunay na pagmamahal handang magtiis...
ngunit hindi kaya ito'y mali na at labis?
maghintay ng kahit gaano katagal....
gayong baka ang yong hinihintay may iba ng mahal?
bat hindi na lang sabihin at ng makalaya naman...
nang hindi nahihirapan at patuloy na nasasaktan!!!

PARA SA LALAKING LABIS KONG MINAHAL....
KAY MR.J.N NG PANGASINAN(desperado)
HINDI MAN TAYO ANG MAGKATULUYAN..
SA BUHAY KONG ITO HINDI KA MAKAKALIMUTAN..
ALA-ALA MO'Y TATAGLAYIN HABANG NABUBUHAY...SALAMAT SA MGA ORAS NA AKO'Y IYONG MINAHAL,SA MGA PAGLUHA NA IDINULOT MO AT NAGBIGAY NG ARAL.SA ISANG KAHAPON NA NAGING ISANG BAHAGI NA NG AKING BUHAY...SALAMAT SA ALA-ALA!!♥♥♥POKNAT♥♥♥

Thursday, September 22, 2011

DAAN NG NAGMAMAHALAN

DAAN NG NAGMAMAHALAN by Ara Castillo Moises
By Lover's Lane
Sa dami ng pagsubok sa buhay ko ang naranasan;
minsan nga naisipan pa na ito ay wakasan;
...dahil nga sadyang hirap di na makayanan;
Takot sa DIOS sumagi;isip naliwanagan.
Inaliw ang sarili,sa kalawakan tumambay;
sari-saring mukha sakin duo'y kumakaway;
Hanggang may isang natatangi sa karamihan;
ako'y napasunod di mawari ang dahilan.
Sa kanyang kinaroroonan may napansin na kakaiba;
tao'y nagkakagulo at nagkakantahan pa;
Maraming bulaklak,may tela pang pula,
at may banner na nakasabit,hindi ko lang mabasa.
Bahagya akong tumigil at kinusot ang mata;
ano ang meron dito,sandali..teka muna;
Binura nasa isip,dibdib ay kumaba;
tinanong ang sarili"ako'y nasa langit na ba?"
Binibining nakatayo doon sa may kalsada;
walang humpay ang pagkaway,walang tigil paanyaya;
Dito sa kalyeng ito tiyak ang 'yong ligaya;
Mga alalahanin mo'y isantabi muna.
Kalyeng sinasabi punong-puno ng liwanag;
ano't nag-aatubili itong puso kong duwag;
doo'y natatanaw pagkaing nakalatag;
Ngunit mukha ng babae'y di ko mabanaag.
Sa pag-aatubili ako'y kanyang nilapitan;
sabay sa paanyaya kamay ko'y hinawakan;
Sa pagkagulat ko puso'y nahimasmasan;
at buong linaw mukha nya ay lumarawan.
Walang pinipili mahirap ka man o mayaman;
lahat pantay-pantay aking napatunayan;
hindi namimili ng magiging kaibigan;
Itong Admin ng LOVER'S LANE,FLORENCE kanyang ngalan.
Ito nga ang daan ng nagmamahalan;
dagling papawiin iyong kalungkutan;
dahil nga dito lahat magkakaibigan;
dito'y haharapin maging kabiguan.
At ngayon lamang aking napagtanto;
ang kaninang di mabasa ng isip kong liko;
Ngayon alam ko na letra'y buong-buo;
MALIGAYANG KAARAWAN....SA'YO ADMIN COCO!!!!!!!

No comments:

Post a Comment